Philippines, 23 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Pagbabago Para Sa Pag-unlad

PhilBoxing.com
Sun, 09 Mar 2008



LOS ANGELES -- Magandang araw po muli sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ko dito sa America kung saan ay naghahanda na ako sa laban namin ni Juan Manuel Marquez sa Las Vegas, Nevada sa March 15.

Wala na halos isang linggo at wawakasan na namin ang isang yugto ng aming career. Susubukan ni Marquez na manalo at alam kong nag-train siya ng matindi upang biguin ako sa aking hangarin na agawin ang kanyang korona.

Ako po ay nagsanay din nang sagaran at naghanda nang lubusan para sa laban na ito. Masasabi ko, malapit ko nang makuha ang pinakamaganda kong kundisyon sa maraming taong nagdaan. Ilang araw na lang. Excited na ako at ngayon pa lang ay marami na sa aking mahal sa buhay at mga kaibigan ang dumarating galing Pilipinas upang manood at sumuporta sa akin.

Nandiyan ang aking butihing maybahay na si Jinkee na dumating nitong Huwebes ng gabi, kasama ang iba pang mga mahahalagang tao sa aking buhay. Sila ang bumubuo ng aking loob at pinagmumulan ng aking inspirasyon upang magpursigi at piliting abutin ang mas matayog na mga pangarap.

Sa Lunes, magkikita kami sa unang pagkakataon ni Juan Manuel sa downtown Los Angeles para sa isang press conference, open to the public. Iniimbitahan ko ang mga fans ko sa Los Angeles, kung may oras kayo, pumasyal kayo at manood. Sabi nila, teritoryo daw ng mga Mexicano ang lugar sa may Olvera Street. Sa aking tingin, marami rin akong mga supporters maging Pinoy man sila o Mexicano o kahit na anong lahi. Maganda ang rivalry ng Mexico at Philippines sa boxing. Malaking tulong ito sa bawat bansa, huwag lang maging personal ang away.

Importante po sa akin ang korona ng World Boxing Council at kasing-halaga nito ang Ring Magazine "People's Champion" belt. Both belts are important because they mean supremacy in all of the super-featherweight division. I want these belts really badly and I mean business. Tama lang po ang title ng aming laban, "Unfinished Business".

Excited po ako dahil maganda ang aking kondisyon sa pangangatawan at pag-iisip at talagang mahaba ang panahon ng aking paghahanda. Wala akong takot na sasagupa kay Marquez dahil sa aking kasalukuyang kundisyon. Ganyan po ang buhay naming mga boksingero. Sa haba ng taon na aking ginugol upang maabot kung nasaan ako ngayon, masasabi ko na marami pa rin akong natututunan sa larangan ng boksing. At sa laban na ito, masasabi ko na isa akong bagong boksingero na may bagong ipapakita sa itaas ng ring.

Hindi ko po muna masasabi ang mga bagay-bagay na aming ginawa sa training pero isa lang ang aking alam: Ako po ay nagbago para sa ikabubuti ng aking boxing career. Mas matagal ang aking pagsasanay at marami pa ring mga techniques ang aming inihanda, dulot ng aking kanang kamay.

It is part of my New Year's resolution, to change my life for the better. Pinangako ko sa sarili ko na iwasan ang mga bisyo at mag-concentrate sa aking boxing career. Hindi ako satisfied sa ipinakita ko nitong huling dalawang laban kontra kina Jorge Solis at Marco Antonio Barrera, na pareho ko namang naipanalo. So far, so good, nakikita ko na maganda ang resulta ng aking pagbabalik sa dati kong anyo. Gutom ulit ako na umusad at abutin ang hindi ko pa naaabot, sabik ako na makuha ang dangal na hindi pa natatamasa.

Gaya ng aking kanta, para sa inyo ang labang ito. Para sa aking bansa at sa aking mga kababayan.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. Have a good day.

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.