|
|
|
DO YOUR BEST AND GOD WILL DO THE REST PhilBoxing.com Thu, 06 Mar 2008 LOS ANGELES --- I just want to greet everyone a very pleasant day. Sana nasa mabuti kayong kalagayan habang binabasa ninyo ang kolum ko. Katatapos lang po namin mag-spar ng walong rounds at heto, habang nagpapahinga ako ay tinatapos ko itong kolum na ito upang ako mismo ang magbalita sa inyo kung ano ang nasa puso ko at kung ano ang nararamdaman ko mga sampung araw na lang ang nalalabi. I am really excited to fight the world champion, Juan Manuel Marquez and I want nothing less than a victory on March 15 (March 16 ng tanghali diyan sa Pilipinas). I have prepared very hard for this fight and I am sure this will be a good fight. Papababa na po ang dami ng rounds ng insayo namin dahil papalapit na ang laban. Nalampasan ko na po ang pinakamahirap na yugto ng aking training at sa ngayon, ako naman ay naghahanda sa mental at spiritual part ng laban. Nagsisimula na pong magdatingan ang aking mga pamilya, kaibigan at mga fans at ako po ay lubos na natutuwa dahil isang malaking pagtitipon na naman ng mga Filipino ang magaganap sa Las Vegas at sa buong mundo. Natutuwa po ako sa mga kwento ng aking mga kaibigan at mga kababayan, sa ligaya na naidudulot ng aking mga laban sa inyo, ang aking mga tiga-suporta at tiga-sigaw na ang kapwa ninyo Pilipino ay nagwawagi sa ibabaw ng ring. Masaya ako na itaas ang kamay ninyo, kasabay ng pagtaas ng referee sa aking mga kamay kapag nananalo tayong lahat. Natutuwa po ako kapag nagkakasama-sama ang buong pamilya sa pagnood ng aking mga laban. Tumataba ang aking puso kapag si lola ay nagluluto ng paboritong pagkain ng kaniyang angkan habang ang mga anak at mga kamag-anak ay nagkakabuklod-buklod muli. Huwag lang po ninyo sosobrahan ang pag-inom at huwag ubusin ang pulutan kaagad. Sa ngayon po ay maligaya ako sa training at masaya pa rin ang grupo at coaching staff ko. Sinasabi man ni coach Freddie na ako ay mananalo ng knockout laban kay Marquez, ang masasabi ko naman ay gagawin ko lang lahat ng aking makakaya at si Lord na ang bahala sa akin, kasama na rin ang inyong mga dasal na lubos kong pinagpapasalamatan. Para sa mga nakakakilala sa akin, hindi po ako nagbibigay ng prediction para sa bawat laban ko. Basta ako, ibinubuhos ko lahat ng aking makakaya sa training at sa araw ng laban, handa ako sa anumang pwedeng ibato ng kalaban. Sabi nga nila, ?Do your best and God will do the rest.? Sa araw ng laban, ipinapaubaya ko sa Diyos ang lahat at wala akong kaduda-duda sa mga biyayang ibinibigay niya sa akin. Habang papalapit ang laban, mas lalo akong nananabik na makasagupa si Marquez. Dito po sa training camp ko ngayon, bahay-gym-kain-tulog lang ang aking inaatupag. Kung minsan, nagkakasayahan pa kami dito sa pagkanta at pagtugtog ng gitara, pag-surf sa computer at kung hindi pa ninyo napapanood iyong mga mini-concert ko sa ?Youtube,? itanong na lang ninyo sa inyong mga kaibigan kung papaano ninyo mapapanood. At ngayon, medyo naaaliw ako sa paglalaro ng darts kasama ang aking mga kaibigan at napapansin ko na naka-focus na ang aking pag-iisip dahil maganda ang asinta ko sa bull?s eye. Inaalay ko ang laban na ito sa inyong lahat. Sana, sa pamamagitan at sa gitna ng aking tagumpay, magkaisa ulit tayong lahat para sa ikauunlad nating lahat. Hanggang sa muling Kumbinasyon. Proud to be a Filipino. This article is also available at Abante Online. Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |