Philippines, 12 Sep 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


I Love San Francisco

PhilBoxing.com
Thu, 28 Feb 2008



LOS ANGELES ?- A pleasant day to all of you, I hope everyone is doing well. Ako po, okay lang, masaya at malusog ang pangangatawan at pag-iisip at excited na sumabak sa laban sa March 15 sa Las Vegas.

Kababalik lang po namin mula sa aking media day sa San Francisco noong Miyerkules at masaya po ako na bumalik dito sa lugar na kung saan una ako tumapak sa America.

Sobrang daming tao ang sumalubong sa akin, kasama na dito ang mga kinatawan ng media, mga fans at mga kaibigan. Hindi ko lubos maisip na halos pitong taon na pala ang nakararaan mula nung una akong dumating dito sa America. Naaalala ko, batang-bata pa ako noon at puno ng pangarap. Halos wala pang nakakakilala sa akin dito sa America dahil lahat ng laban ko ay ginanap sa Pilipinas at Asia. Ito po ang masasabi ko: I love San Francisco.

Masarap magbalik-tanaw sa pinanggalingan. Sabi nga nila, ang taong hindi marunong tumanaw kung saan ka nanggaling ay hindi makakarating sa dapat na paroroonan. Naniniwala po ako sa kasabihan na iyan kaya naman po hindi pa rin ako nagbabago sa aking pakikitungo sa mga tao kahit na marami kung minsan ang nanloloko sa akin at umaabuso sa kabaitan ko.

Noong May 2001, pumunta kami ng dati kong manager na si Rod Nazario dito sa America upang harapin ang kapalaran na darating pa lamang sa aking buhay. Sa San Francisco lumapag ang eroplano namin galing ng Pilipinas at tumira kami pansamantala sa bahay ni Kuya Boying, anak ni Rod.

Sa mga tabing daan ako tumatakbo sa umaga. Ako lang mag-isa noon, wala pa akong mga kasama sa jogging na tutulong o gagabay sa akin. Wala pa akong fan base na matatawag dahil hindi pa ako napapanood sa American TV kahit na minsan. At nangyari po ang dapat mangyari. Nagkita kami ni coach Freddie Roach nang pumunta kami sa Los Angeles habang naghahanap kami ng isang magaling na trainer. Kasabay nito ang isa sa pinakamalaking break ng aking career: Bigla pong naisingit ako sa undercard ng laban ni Oscar De La Hoya vs Javier Castillejo, sa isang pay-per-view event.

Sa loob lamang ng dalawang linggo, tinanggap namin na labanan ang kinakatakutan at iniiwasang kampeon ng IBF super-bantamweight division na si Lehlohonolo Ledwaba ng South Africa. Kasama ko pong naghanda sa laban si ?Tatay? Ben Delgado at si coach Freddie at ang cutman na si Ruben Gomez at marami ang nagsabi na hindi ako makakalusot sa Aprikano dahil ayaw siyang labanan noong panahon na iyon ng maraming kampeon. Actually, I was a last-minute substitute because Ledwaba?s supposed opponent backed off. Kung iisipin nga naman ang kapalaran ng tao, malayo na po ang aking narating mula nang talunin ko si Ledwaba noong June 23, 2001 sa MGM Grand Hotel sa Las Vegas.

Sa laban namin ni Juan Manuel Marquez sa Las Vegas, nandoon pa rin ang batang walang-takot na kumakasa kahit kanino. Lalaban pa rin ang batang nanggaling sa flyweight (112 pounds) division, na ngayon ay sumasabak na sa timbang na 130 pounds.
May tinuturing na respetableng journalist sa Manila na nagsasabi na may problema daw ako sa pagkuha ng timbang na 130 pounds. Sinasabi pa niya na ako raw ay tumitimbang ng 138.5 pounds noong Sunday, ayon sa kaniyang source na di umano?y galing sa loob ng aking apartment.

Isa lang po ang masasabi ko sa manunulat na iyan. Dapat lang na huwag siyang paniwalaan dahil walang basehan ang kanyang sinusulat. Matagal na po ako sa larangan ng boksing at walang taong mas nakakakilala sa aking pagkatao kundi ako rin. Wala po kayong dapat ikabahala sa aking timbang. Everything is under control, no problem! I will easily make the 130-pound limit. Masasabi kong sinungaling ang writer na iyan dahil hindi naman ako nagtimbang noong Sunday.

Hay naku, ang mga tao nga naman.

Sana po ay magkaisa tayo at magsama-sama sa pagdasal sa tagumpay ng bawat isa. Sana po, iwasan na natin ang crab mentality para sabay-sabay ang pag-unlad natin bilang isang bansa, isang lahi, isang diwa.

Hanggang sa muling Kumbinasyon! GOD BLESS.

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.