Philippines, 12 Sep 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Mabilis Na Ang Tibok Ng Aking Puso

PhilBoxing.com
Sun, 24 Feb 2008



LOS ANGELES -- Magandang araw po sa inyong lahat. I hope everyone is doing well.

O kay bilis talaga ng panahon, hindi natin namamalayan, tatlong linggo na lang at Fight Night na! Pabilis na nang pabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit na nang papalapit ang laban namin ni Juan Manuel Marquez. Sa mga taong nakakakilala sa akin, hindi po ako kinakabahan excited lang talaga ako kaya bumibilis ang pintig ng puso ko.

I am really excited in this rematch with Marquez. I know he is going to be 100 percent coming into this fight as I am also giving everything in training. Pareho po kami nag-insayo ng matindi at sa tingin ko, magkakatalo na lamang kami sa strategy at sa pabilisan ng diskarte sa itaas ng ring.

I expect Juan Manuel to come in prepared and ready to defend his title but I am also hungry to settle our Unfinished Business, once and for all. So far, everything is under control, everyone is happy in my team and I am in my best shape. I am also reaching my peak at the right time so I expect to give everyone a good show on March 15. Sana po, mapanood ninyo ako sa Mandalay Bay Resort Hotel sa Las Vegas o di kaya sa pay-per-view o sa mga sinehan at sa regular TV diyan sa Pilipinas.

Nitong linggong nagdaan, tinapos ko po ang 30 rounds ng sparring, tig-10 sa bawat araw ng Martes, Huwebes at Sabado at sa pagdating nitong susunod na linggo, mag-iispar na ako ng 12-rounds kontra sa apat o limang sparring partners ko. Itong linggo na ito, may nadagdag na kalaban sa sparring, isang lightweight fighter na nagngangalang Ramon Montano, kapangalan nung dating heneral ng ating republika.

Si Montano ang makakalaban ni David Diaz, ang WBC lightweight champion, sa aming undercard. Isa po si Diaz sa mga napipisil na susunod kong kalaban kung malulusutan ko si Marquez pero makakaasa kayo na ang buong focus ko ay nakatuon kay Marquez at wala nang iba.

Inaasahan kong makukumpleto ko ang 130 to 140 rounds ng sparring pagkatapos nitong susunod na dalawang linggo at bago kami tumungo sa Las Vegas kasama ng aking asawang si Jinkee at ng buo kong team at mga kaibigan.

Natutuwa rin po ako dahil ang aking kapatid na si Bobby ay sasabak sa March 13 kontra kay Urbano Antillon, isang Mexicano na may 21-0 record. Naniniwala ako na malaki ang tsansa ng aking kapatid kahit na wala pang talo itong si Antillon na naka-spar ko na rin dati. Ginagabayan ko palagi itong si Bobby, kasama at kasabay ng training namin.

Si Diosdado Gabi naman ay sasabak sa aking undercard kalaban din ang isang sumisibol na Mexicano na si Abner Mares, 15-0. Kahit na medyo matagal na mula nang huling lumaban si Gabi, alam kong nasa kanya ang puso at kakayahan na pigilan ang Mexicano na wala pang talo.

Dalawa pang Pinoy boxer, sina Aaron Melgarejo at Ernel Fontanilla, ay sasagupa rin sa Mexicanong boksingero. Si Aaron ay isang Philippine champion na inaalagaan ko. Malapit sa akin ang dalawa dahil lubos na naniniwala ang aking assistant trainer na si Buboy Fernandez sa kanilang kakayahan. Unang laban pa lamang ni Ernel at Aaron dito sa America at sa tingin ko, may ibubuga itong mga batang ito.

Sigurado pong umaatikabong bakbakan ang magaganap sa kalagitnaan ng Marso dahil maraming Pilipinong boksingerong lalaban at halos Philippines versus Mexico na ang labanan. Pilipinas, walang kukurap! Sana ay magkaisa po tayong lahat tungo sa tagumpay at inaasahan po namin ang inyong dasal at suporta. Mabuhay tayong lahat.

Hanggang sa muling Kumbinasyon.



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.