Philippines, 12 Sep 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Huwag Kayong Mabahala

PhilBoxing.com
Thu, 14 Feb 2008

LOS ANGELES -- Magandang araw po sa inyong lahat. Umaabot na po sa 31 rounds ang bilang ng aking sparring at nitong Martes, nakaharap ko ang tatlong boksingero na naghati-hati upang kumpletuhin ang walong rounds ng sparring.

Nakaharap ko sila Rey Beltran, David Rodela at Daniel Cervantes sa magkakasunod na pagkakataon. Masaya naman po at kuntento ang aking coaching staff na sina Freddie Roach, Buboy Fernandez at Nonoy Neri sa aking ikinikilos sa ring at tuloy pa rin ang aming paghahanda sa laban sa March 15 kontra kay Juan Manuel Marquez.

"Everything is absolutely fine and everything is definitely under control." 'Yan lang ang aking masasabi. Kaya huwag po kayong mabahala.

Marahil ay marami na sa inyo ang nakarinig o nakabasa na sa bali-balitang nawalan ako ng malaking halaga bunga ng pagkaka-forge ng aking pirma sa bangko. Marami na ring mga lumabas na sanga-sangang report mula sa mga pahayagan at mga manunulat na gustong ungkatin at mag-ungkat ng inpormasyon tungkol sa diumanong naganap na pangyayari. Iyong ibang detalye, hindi accurate dahil hindi naman galing sa official na sources ang kanilang report.

Isa lang po ang aking sasabihin tungkol sa bagay na iyan. Sana ay huwag nang makialam ang mga taong wala namang kinalaman sa bagay na ito. Itinuturing kong isang personal na problema ito at sana, respetuhin ng lahat ang isang private matter.

Nasa kamay na po ng kinauukulan ang problema at ipinapaubaya ko na rin sa Dakilang Hukom ang suliraning ito, na sa aking palagay ay mabibigyang kalutasan sa lalong madaling panahon. Tigilan na po natin ang malalaswang haka-haka at mga agam-agam tungkol dito sa kasong ito. Ako po ay hindi na magbabanggit ng kahit na anong pangalan dahil wala akong intention na pahiyain sa publiko ang nasasakdal o mga nasasakdal.

Naniniwala po ako sa hustisya at batas ng Diyos at ng tao at lahat po tayo ay dapat lamang na humarap sa ating mga pagkakamali. Maaaring di tayo perpekto pero tayo pa rin ay sumasailalim sa mga batas at alituntunin na siyang magtutuwid sa landas na baliko. May batas ang liwanag na gagabay sa atin upang hindi tayo mamuhay sa dilim. Kung sino man ang may sala o mga nagkasala, dapat lang silang humarap sa mga batas at sa gawaran ng kaparusahan na kalakip nito.

Bago pa pumutok itong iskandalo na ito, ako po ay nakapagpatawad na. Mahirap man para sa iba ang magbigay ng kapatawaran, ako po ay madaling magpatawad. Wala na po akong magagawa dahil hindi lang naman po ako ang naloko dito.

Huwag po kayong mag-alala, hindi ko po papabayaan ang aking responsibilidad sa aking pamilya at sa sambayanang Pilipino. Maliit na bagay itong pangyayaring ito kung iisipin. Hindi ko po hahayaang makakaapekto ito sa aking pag-iisip at pangangatawan dahil kayo pong lahat ay aking inspirasyon at bawat pangarap ninyo ay aking pinapasan sa aking balikat. Hindi ko pababayaan na dahil lamang sa bagay na ito, ang lahat ng inyong panalangin ay mauuwi lamang sa wala o sa kabiguan.

Dito po ninyo ako masusubok, sa mga pagkakataong ganito. Sinasabi nila na ang apoy ang sumusubok sa tunay na kalidad ng bakal, na apoy ang ginagamit sa pagpapanday ng matalas na sibat. Ako po si Manny Pacquiao, hinubog ng panahon. Marami na po akong pinagdaanan sa buhay at sa huli, sama-sama tayong magtatagumpay.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. Have a nice day!

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.