Philippines, 12 Sep 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


'Di Dapat Padala Sa Emosyon

PhilBoxing.com
Thu, 07 Feb 2008




LOS ANGELES -- Magandang araw po sa inyong lahat.

Inumpisahan na po namin ang matinding yugto ng insayo at kahit na may kaunting ubo pa, tuloy pa rin ang paghahanda natin sa napipintong bakbakan namin ni Juan Manuel Marquez sa March 15 sa Las Vegas.

Gusto ko mang dumalo sa kaarawan ng aking panganay na anak na si Emmanuel Jr. (Jimuel) na nasa Pilipinas, hindi ko magawa dahil gaya ng ibang araw ng taon, kailangan kong maging handa. Walang araw na dapat sayangin sa training. Linggo lang ang pinaka-pahinga namin pero itong araw na ito ay nakalaan na rin sa Panginoon.

Happy birthday, anak ko, at tandaan mo, lahat ng sakripisyo ng inyong daddy ay para din sa inyong kinabukasan. Pasensiya na at wala ako diyan sa piling mo pero nasa gunita ko kayo palagi.
Noong Martes, sa ikalawang araw ng sparring, dalawa pong boksingero ang aking nakaharap sa loob ng anim na rounds. Naka-spar ko nang tigatlong round sina Daniel Cervantez at Juan Garcia, kapwa mga Mexicano na halos parehas ang estilo ni Marquez.

Maganda naman po ang aking kundisyon at wala namang problema sa training. Kahit nakakapagod, masaya at naka-focus ang buo kong team para sa laban. Nandito rin sa Los Angeles ngayon ang TV crew ng HBO at sila ay kumukuha ng mga footages ng aking pag-iinsayo kasama na rin iyong ginagawa namin pagkatapos ng aking araw sa gym.

Kinunan nila akong kumakain, naglalaro ng billiards at tumutugtog ng guitar, ilan lamang sa mga kinagigiliwan kong gawin pagkatapos ng aking araw sa "opisina."

***

Napanood ko iyong laban ni Z Gorres at Vic Darchinyan sa pamamagitan ng internet at nakakalungkot mang tanggapin, hindi maganda ang pangkalahatang resulta ng laban.

Kahit nauwi sa tabla ang decision na sa tingin ko ay mas pumabor sa kapwa ko Filipino, hindi ako nasisiyahan sa pagkakapili sa referee na si Lance Revill ng New Zealand.
Inumpisahan ni Revill ang masamang paghatol sa isang knockdown sa unang round at sa tingin ko, mali ang kaniyang paghuhusga na knockdown ang tinamo ni Gorres. Masama ang tawag ng referee at kasing-sama rin nito ang nangyaring pambabato ng mga tao sa referee ng mga bottled water at mga coins.

Hindi po maitatama ng isang mali ang isa pang pagkakamali. Hindi dapat kunsintihin ang mga taong nadala ng kanilang emosyon kahit na gusto nating manalo ang ating kababayan. Sa huli, tayo rin ang babalikan ng mga taga-hatol dahil hindi tayo nakapagpigil.

Sa tingin ko, marami pang mga crucial na tawag ang hindi nagawa ng referee at ito ay lubos na nakaapekto sa resulta ng laban. Sa tingin ko, dapat lang na panalo sana si Darchinyan kung naideklara na knockdown iyong tinamo ni Gorres sa ilang pagkakataon.

Binibigyan ko rin ng papuri ang Filipino judge na si Jonathan Davis dahil sa ipinamalas niyang kagitingan sa paghahatol kahit ito ay pumabor kay Darchinyan. Marami ang maaaring magtaka kung bakit gayun na lamang ang desisyon ni Davis.

Para sa akin, close ang laban at maaaring tama ang isa sa tatlong judges.

Hanggang sa susunod na Kumbinasyon! Mabuhay ang sambayanang Pilipino.

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.