|
|
|
Bawi Na Lang Sa Susunod PhilBoxing.com Sun, 16 Dec 2007 Nalungkot ako nang ibalita sa akin na nag-walkout daw ang boksingero natin na lumalaban sa Southeast Asian Games sa Thailand. Ako bilang isa rin na boxer, alam ko ang naramdaman kapag dinaya sa laban. Pero sa umpisa lang ako magcomplain, pagkatapos ay tinatanggap ko ano man ang naging resulta sa laban ko. Kasi that is part of our life as athlete. "Not good." Ito ang sabi ko nung tanungin ako sa ginawa na nilang walkout. Kung natandaan n'yo, bago nagpunta sa Thailand ang RP boxers ay pinasyalan ko sila sa ABAP gym para bigyan ng moral support. Sinabi ko sa kanila, "laban hanggang kaya niyo, wag n'yo isipin ang kalaban, basta kung ano ang magawa nyo sa laban." Hindi ko rin sila sinisi sa ginawa nila. Alam ko na may dahilan 'yun at naniwala ako, 'yung mga boxer gusto lumaban, kaya lang siyempre kailangan nila na sumunod sa mga opisyal, kung sa tingin ng mga opisyal na naagrabyado ang ating boksingero, kaya nagdecide sila mag-walkout. Kung isipin lang natin, 'yong mga Thailander na boxer, hindi talaga sila manalo sa atin, kasi mas magaling tayong mga Filipino sa kanila. May nagsabi naman sa akin, na hindi daw 'yong mga boksingero natin ang class A, kaya tinatalo ng Thailand. Kahit hindi class A, pero kung nagtraining naman na mabuti, manalo pa rin. Sa sinasabi na dinadaya ang mga boxer natin, siguro dapat mag-isip na ng paraan ang mga coach para maging superior tayo sa kanila. Hindi naman puwede na lagi tayo mag-walkout kapag dinaya tayo. Marami paraan para makabawi tayo sa daya. Tulad ko naglaban kami ni Juan Marquez, tatlong beses ko siya pinabagsak, pero tinabla ang laban namin. Wala ako nagawa, kasi tapos na ang laban at may desisyon na. Kaya itong rematch namin this coming March 2008, dito ako makakabawi at gagawin ko lahat para hindi na mag-draw ang laban namin. "Yon laban namin ni Erik Morales, tinalo niya ako sa una. Kaya nag-isip ako ng paraan para talunin ko siya, na ginawa ko noong naglaban kami na pangalawa. Pati na dun sa 3rd fight. Ganyan dapat talaga, 'yung natapos na wag na natin isipin pa. Dapat 'yong future fights ang isipin natin. Kaya sa mga boxer natin na lumaban sa Thailand, bawi na lang kayo sa sunod. Hanggang sa susunod na 'Kumbinasyon.' Mabuhay! Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |