Philippines, 24 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


It's going to be war!

PhilBoxing.com
Sun, 02 Dec 2007

Ilang araw na lang pala at mag-birthday na naman ako. I will be 29 come December 17, bata pa rin, di ba? Joke lang. Wala pa naman akong plano para sa birthday ko, pero siyempre hindi naman puwede na walang selebrasyon.

Masyado akong busy talaga mula pa noong last week, nung umalis ako papuntang US hanggang pagbalik ko. Ako na yata ang taong walang pahinga.

Kaya hindi rin ako nakagawa ng kolum ko last Thursday, dahil hindi ko maharap ang computer. Pero ganun talaga, ang mahalaga nakakapagsilbi ako at may napapasayang mga tao.

Kung last week wala akong masabi sa sunod kong kalaban, ngayon alam kong maraming natutuwa dahil wish granted that I will be fighting Juan Manuel Marquez. Sabi ko naman sa inyo, may mga bagay pang inaayos sa rematch namin ni Marquez at nang matapos ang negosasyon, si Marquez na nga ang aking makakalaban sa March 15, 2008.

Nung Friday, nabasa ko rin sa mga boxing websites na inanounce na ng Top Rank at Golden Boy 'yong laban namin ni Marquez, na gawin sa Las Vegas.

Muli ko na namang kakailanganin ang inyong dasal at suporta para mapagtagumpayan ang laban ko na darating.

Asahan nyo na hindi ako magpabaya sa ensayo at sa paghahanda ko kay Marquez.

Siguro naman matitigil na ang mga nagsabi na naduduwag ako kay Marquez.

Kahit kaninong boxer hindi ako takot o naduwag harapin.

Si Marquez naglaban na kami at draw ang nangyari. Tulad ng sabi ko nung pagdating ko, we have an unfinished business to settle at 'yon ang tapusin namin ang aming laban, kailangang magkaroon ng resulta, kung manalo ako, o kung manalo siya, basta ang mahalaga may resulta. At kung magkaroon ng Part 3, depende sa maging resulta at kung ano ang plano ng mga promoter namin.

Alam nyo matakot o maduwag lang ako sa boxer kung tatlo ang kamao, hindi e, pareho lang kami na tig-dalawa. Alam kong paghandaan ako mabuti ni Marquez. Sa akin naman, tatapusin ko ang lahat ng aking ginagawa ngayon, dahil ayoko ma-distract kapag nag-ensayo na ako sa January.

Wala pa rin kaming plano sa ensayo. Pero dito muna ako magsimula sa Pilipinas, para pagpunta ko sa US puro sparring at conditiong na ang pokus ko.

Natandaan n'yo nung unang laban namin ni Marquez, I knocked him down 3 times in the first round, pero tumayo pa rin siya, lumaban at tinapos pa ang laban. Kung meron nabago kay Marquez siguro konti lang, kaya hindi ako dapat magkumpiyansa. Sinasabi ng iba na medyo matanda na si Marquez, pero sa boxing, lalo na sa mga Mexican, kahit 30 years old na malakas pa rin.

Kaya hindi ko iniisip na matanda na si Marquez. Mahirap kapag ganun ang isipin ko, kasi mas lalo niya akong paghandaan.

Sa mga nagtanong kung manalo ba ako sa laban namin uli ni Marquez.

Hindi ko masagot 'yan. Basta ang masabi ko lang, kung nabitin kayo sa unang laban namin, this time it's going to be war!

'Yung kay David Diaz naman, makapaghintay naman siya pagkatapos ng laban namin ni Marquez, puwedeng kami ang maglaban sunod. Pero ang alam ko may laban pa si Diaz. Kung manalo siya at manalo rin ako kay Marquez, siyempre mag-negotiate kami at kapag nagkasundo, laban na.

Siguro nagulat din kayo kung bakit si Marquez ang makalaban ko na sunod. Kasi nababasa ko na lumalabas sa mga balita na si Diaz na daw ang makakalaban ko, kahit wala pa namang final negotiation.

Sabi ko naman sa inyo hangga't wala pang pirmahan ng kontrata, hindi pa final ang anumang usapan.

Suportahan n'yo po ako sa laban ko kay Marquez, para makalaban ko ang iba pang sikat sa Amerika.

***

Next week ay lalaban na ang ating mga boxer sa SEA Games. Dinalaw ko nga sila para bigyan ng moral supports, 'yon lang ang puwede kong maibigay sa kanila. Katulad ng suportang ibinigay ko sa mga sundalo sa Zamboanga, na patuloy na nakikipaglaban para matahimik ang ating bansa.

Wish ko lang na manalo ng medalya ang ating mga boxers, dahil karangalan na naman ng bansa ang gagawin nilang paglaban sa Thailand.

Pati na sa ibang atleta natin na lalaban din sa Thailand, pabaunan natin sila ng dasal para sa kanilang tagumpay.



This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com.



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.