Philippines, 31 Jan 2023
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        




 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Bakit Sinisira ang Ating Bayan?

PhilBoxing.com
Sun, 18 Nov 2007

Masaya ang lahat ng ating bisita na dumalo sa World Boxing Council (WBC) convention sa kanilang pananatili ng isang linggo dito sa Pilipinas. Talaga namang humanga silang lahat sa ating ipinakitang pagasikaso at pag-istima sa kanilang lahat.

Natapos ang nasabing convention na masaya silang lahat.
Pero ang hindi lang maganda, na sa kabila ng lahat ng pagsisikap na maging maganda ang imahe ng bansa, ay mayron namang sumabog na bomba sa harapan pa mismo ng gusali ng ating Batasang Pambansa, na ikinasawi ng apat katao.

Sa isang lugar na hindi inakala ng marami na magkakaroon ng ganitong pangyayari. Marami pang inosenteng mga taong malubhang nasugatan sa nasabing pagsabog. Hindi man lang namalayan ng ating mga pulis at mga security sa gusali na mayron na palang nakapasok na bomba. Ilang pamilyang naulila at mga batang nawalan ng magulang dahil sa nasabing karumal-dumal na pangyayaring pagsabog.

How come there are people who are trying to ruin the good image of our country? I don?t know why are these people keep on doing this terroristic act, without thinking that all of their victims were innocent, and have nothing to do with the reason they were fighting for.

Hindi sa ganitong paraan malulutas ang problema ng ating bayan. Pare-pareho tayong mga Pilipino, kulay kayumangi na nakatira sa isang tahanang napakaganda. Huwag naman sana nating sirain ang ating sariling tahanan. We should know and realize that this is our homeland, and whatever happens we're still kayumanggi. I wish that we always unite at ?yan naman po ang lagi kong hinihiling sa bawat Pilipino.

Sana lumaban na naman ako para magkaisa ang buong sambayanang Pilipino. Magkaisa na po tayong lahat at sabay po nating harapin ang ating napakagandang bukas. At sa muli lagi po nating ilagay ang Panginoon na sentro ng ating puso hanggang sa muling ?Kumbinasyon.? Pilipino Gising!!!!!


This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com.



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2023 philboxing.com.