|
|
|
Alisin Ang Palakasan PhilBoxing.com Thu, 15 Nov 2007 Noong nakaraan, nabanggit ko ang tungkol sa mga namamahala sa ating mga atleta, na kung bakit sa tagal na ng panahon ay hindi pa tayo nagkakamit ng gintong medalya sa olympic games. Sa aking nakita, lalung-lalo na noong nakaraang Olympic Games during the parade ay mas marami pa ang mga officials na nandoon kaysa mga manlalaro and I don't understand why? Isa pa lang ito sa mga dahilan na bakit sa tagal na ng panahon ay hindi man lang tayo nakakakuha ng kahit isang gintong medalya sa Olympics. Hindi ko intensyon na makasakit ng damdamin ng iba, o sa mga sa mga namumuno ng ating atleta, nasabi ko ito dahil na rin sa aking nakita at nalalaman. Kailangan nating mabigyan ng pansin ang mga ganitong suliranin o problema, dahil hindi pa naman huli ang lahat para baguhin ang ating pamamalakad at para naman hindi masayang ang mga paghihirap ng ating mga atleta. Marami tayong mga magagaling na atleta na hindi nabigyan ng pagkakataon. Ang ibig kong sabihin ay maraming mga atleta na dapat alagaan ng ating Philippine Sports Commission (PSA). Based on my experience dahil nanggaling din ako sa PSC gym, ang nangyayari kasi kung sino 'yong may malakas na backer ay 'yon ang kinukuha. Nakapag-ensayo din ako sa PSC gym noon, dahil nga gusto ko sana pumasok sa Philippine team, pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon na maging miyembro. Sa halip ay 'yong mga tinalo ko pa ang napili sa team, dahil may malakas na backer. Naikuwento ko ang aking naging experience noon, dahil sayang ang mga atletang hindi nabigyan ng pagkakataon. Ang nais ko lang ipaalala, ito'y isa rin sa mga problema na dapat bigyan ng tugon. I think its time to change our attitude in handling our athletes, so we can move on. As I've said, I don't have the intention to hurt someone. I just want to give suggestion and comment for the proper management of our athletes, because I'm also an athlete. *** Anyway, napakasaya ng ating mahigit isang libong bisita galing sa iba't ibang bansa sa kanilang pagdalo ng World Boxing Council (WBC) convention na dinaluhan ng ating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ang inyong lingkod po ang nagbigay ng welcome address sa ating mga bisita. *** Ooopppsss!!! Update ng aking susunod na laban ay malapit na maayos ang negosasyon sa kung sino ang maging sunod kong kalaban. At sana maayos din na dito ganapin sa Pilipinas, lalo na kung si Juan Manuel Marquez ang makakalaban ko. Pero, kahit sino naman makakalaban ko ay walang problema sa 'kin, basta hangad kong mapasaya ang bawat isa sa aking magiging laban. Kaya 'yan ay pakaabangan n'yo mga kababayan ko. At siyempre, nais kong pasalamatan ang lahat ng mga sumusuporta at laging nagbabasa ng "Kumbinasyon." I hope you always continue supporting our athletes and read my column always. Hanggang sa muling "Kumbinasyon." Mabuhi tang tanan. This article is also available at Abante Online. Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com. Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |