Philippines, 19 Apr 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Kuntento ako

PhilBoxing.com
Thu, 25 Oct 2007



May paghahandaan ako sa Friday. Kasi po may exam ako sa school.
Dati ?yong tapes ng laban ang ni-review ko, ngayun libro ang hawak ko at ?yong lectures namin.

Iba talaga ang maramdaman ko ngayun kasi kailangan ko maipasa ang exam, nakaka-nerbiyus talaga. Pero kilala nyo naman ako, malakas ang loob ko, at alam kong kaya ko ang exam. Saka lahat ng ginawa ko pinagsikapan ko talaga.

Parang sa boxing din, kung anu ?yong itinuro ng trainer sa training, ?yon dapat gawin ko sa laban. Kaya kung anu ?yong tinuro ng professors, ?yon din ang sagot sa exam.

Pagtapos ng exam ko sa Friday, ang sunod naman ?yong finals, pero sa November 19 pa ?yon.

Natuwa ako ngayun, kasi sabay kami ng mga anak ko, si Jimwel at Michael na nag-aral. Ako sa GenSan, sila nasa Manila, sa Brent School sa Laguna.

Pangarap ko na ang mga anak ko makatapos mag-aral, makuha nila ?yong kurso na gusto nila, para hindi nila dumanas ng hirap na pinagdaanan ko.

Mahirap ang walang natapos sa paaralan, tulad ko, paano kong hindi ako nagkapera sa boxing, hindi ko rin maipagpatuloy ang pag-aaral. Siguro kung anong mahihirap na trabaho lang ang ginawa ko.

Pero, dahil sa pagdarasal ko sa Panginoon, heto binigyan niya ng katuparan ang mga pangarap ko.

At ang mga pangarap ko ay gusto ko maipagpatuloy ng aking mga anak.

By the way, nag-start na ?yong Manny Pacquiao 9-Ball tournament. Natuwa naman ako kasi ang daming sumali. Bukod sa boxing, madami ding mga kababayan natin ang mahilig sa bilyar, isa na nga ako dun. Kaya nga naisip namin itong tournament, para mapakita ang husay ng mga manlalaro natin.

Ipalabas ng Solar Sports ang tournament, kaya panoorin nyo po. Pero mas maganda kung mapanuod nyo sa live.

***

May nagtanong kung totoo ba na mas malaki ang kinita ni Marco Antonio Barrera sa laban namin. No comment dyan.

Bayaan na natin malaki kinita niya, basta ako masaya at kuntento ako sa kinita ko, pero hindi ko puwede na sabihin.
Lumabas nga sa dyaryo $3 million daw kinita ko, ?yon sabi ni Bob Arum ?yong promoter ko, kaya ?yon na lang po paniwalaan natin. Wag na po natin pag-usapan ang pera, mas mahalaga po pag-usapan gaya ng sunod kong laban.

Pero tulad sa sinabi ko, wala pa akong inisip na makalaban, kasi ang dami nila na gustong maghamon sa akin. Tingnan na lang natin kung sino ?yung maganda ang offer at ?yung maganda na laban.

Hanggang sa muling ?Kumbinasyon.? Mabuhay!


This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com.




Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.