|
|
|
'Wag Iangat Ang Paa Sa Lupa PhilBoxing.com Sun, 02 Sep 2007 Katulad ninyo, ako man ay nag-uobserba din sa mga pangyayari sa boksing. Sa loob ng higit na dalawang buwan, malaking tagumpay ang naibigay ng mga Pilipinong boksingero at nakapag-uwi sila ng karangalan sa ating bansa. Ang buong sambayanan ay lubos na nagalak, lalu na nung kanilang nabalitaan na sa loob ng isang araw ay nagkamit tayo ng dalawang titulo mula kay Florante Condes at Nonito Donaire sa magkaibang lugar. Isa pa sa ating ikinagalak ay ang pagkapanalo natin sa World Cup of boxing. Sa magandang ipinakita ng Team Philippines na ang score ay 5-1 mula sa panalo nina Pe?alosa, Gorres, Banal, Gabi at Domingo. Kahanga-hanga ang mga pangyayari dahil sa loob lang ng maikling panahon, tayo'y naging matagumpay. Ngunit sa kabila nitong tagumpay ay mayroon din 'di inaasahang pangyayari na may nabigo. Kagaya ng isang boksingerong lumaban at natalo. 'Yan ay kasama sa larangan ng kompetisyon at dito natin masusukat kung gaano natin kamahal ang ating trabaho o profession at pangarap na magtagumpay. Kung minsan ang isang taong natupad na ang pangarap ay kasabay din ang pag-angat ng paa nito sa lupa. Ang ibig kong sabihin, kung tayo'y nagtagumpay na, dapat ay nakatapak pa rin ang mga paa sa lupa. Kapag naman natalo, 'wag susuko. Ang pagkatalo ay hindi dahilan para sumuko ka o mawalan ng pag-asa, ito'y nagpapaalala sa'tin na 'wag tayong magbago sa sarili natin, lalung-lalo na sa pakikitungo sa Mahal na Panginoon at sa mga tao. Hindi dapat nagbabago ang ugali, tagumpay man o bigo, how to approach the people who love you, especially your fans ika nga nila, 'with great power comes a great responsibility.' Kaming mga boksingero, pati ang iba pang atleta ay may responsilibidad sa kapwa. At isang magandang halimbawa si Gerry Pe?alosa, na kahit na marami ang nagsasabing laos na s'ya at dapat magretiro na, pero hindi s'ya nawalan ng pag-asa. Hangang-hanga ako sa mga taong ganyan. Lagi lang nating tandaan na walang imposible sa Mahal na Panginoon, basta magsikap lang tayo. At laging tandaan, kung walang Panginoon, wala din tayo sa mundo. Malaki pa ang magawa ng ating mga atleta, lalung-lalo na sa larangan ng boxing. At dun sa mga magpuna sa article na ito, totoo lang ang mga nasabi ko, tanggapin natin, dahil galing ito sa puso. Hanggang sa muli. Filipino boxing superstar Manny Pacquiao has started writing articles which he contribute to Abante and PhilBoxing.com. This story is also available at the Tagalog-based news website Abante. Click here for a complete listing of columns by this author. Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources. |
|
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general. Please send comments to feedback@philboxing.com |
PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya © 2024 philboxing.com. |