Philippines, 21 Nov 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


ANG DIWA NG PASKO AY PAG-IBIG AT PAGPAKUMBABA

PhilBoxing.com
Mon, 22 Dec 2014



MAGANDANG araw po sa ating mga masugid na tagasubaybay. Sana?y nasa mabuti kayong kalagayan at ligtas sa anumang karamdaman.

Pasko na po at sana?y ating ibahagi sa kapwa ang totoong diwa nito.

Ang araw ng pasko ay nagpapaalala sa atin gaano kadakila ang pagmamahal ng Diyos sa atin.

Ang pasko ay hindi lamang isang malaking taunang selebrasyon para sa ating mga Kristiyano. Ito ay araw din ng pagmuni-muni. Ang kapanganakan ng Poong Hesus ang naging tulay upang muling magkaroon ng ugnayan ang tao at ang Diyos Ama.

Siya po ang tupang isinakripisyo at inialay upang muling mabuhay at madugtungan ang ating relasyon sa Diyos Ama.

Kung ating suriing mabuti, maraming simbolo ang hatid sa atin ng pasko. Subalit, sa tingin ko, ang totoong diwa at simbolo ng pasko ay pag-ibig at pagpapakumbaba.

Ipinakita ng Panginoong Diyos gaano niya tayo kamahal sa pamamagitan ng pag-aalay ng Kanyang sariling anak upang tayo?y matubos sa kasalanan.

Sino ba tayo upang mahalin at pag-ukulan ng ganung pansin ng Diyos Ama? Tayo na nililok lamang mula sa alabok. Tayo na puspos ng kasalanan, mapag-imbot at suwail sa kabila ng pagpapalang ibinigay ng Panginoon.

Sadya ngang walang katumbas at walang katapusan ang pag-ibig at kabutihan ng Diyos. At ito ang mensaheng nais niyang ibahagi at ipabatid sa atin.

Sana naman, sa pamamagitan ng pasko ay maalala natin ang pagpapala at walang hanggang kabutihan ng Panginoong Diyos. Ipagbunyi natin ang kanyang kadakilaan. Mahalin natin at lingapin ang ating kapwa lalo na ang mga mahihirap, ang mga matatanda, ang mga balo at ang mga ulila. Ito ang utos ng Panginoon sa pamamagitan ng Bibliya.

Kung may pag-ibig sa ating puso, wala sanang gutom, kaguluhan o digmaan. Magulo ang mundo dahil ang naghahari sa ating puso ay kasakiman, galit at kahayukan sa materyal na bagay.

Sundin natin ang dakilang halimbawa na ipinakita ni Hesukristo. Siya?y Anak ng Diyos, subalit isinilang Siya sa sabsaban hindi sa isang marangyang tahanan o mamahaling pagamutan.

Kung ang Anak ng Diyos ay kayang magpakumbaba, tayo pa kaya? Marahil ay likas na nga sa tao ang pagiging palalo.

Na sa konting angat lamang ng buhay o sa munting katanyagan o talinong kanyang naangkin ay biglang lumalaki ang ulo at ang pakiramdam ay anak na siya o siya na ang Diyos.

Pinaalalahanan tayo ng Diyos. May nakalaang kaparusahan sa mga taong palalo. Di ba?t sinasabi sa Bibliya na ang mga mapagmataas ay ibababa at ang mga mapagpakumbaba ay iaangat at pagpapalain ng Diyos?

Sana ang paskong ito ay maging daan upang bigyan natin ng puwang ang Panginoong Diyos sa ating mga puso.

Mahalin natin ang Panginoong Diyos at ang ating kapwa kagaya ng pagmamahal natin sa ating sarili.

Hanggang sa susunod. Maligayang Pasko at manigong bagong taon sa ating lahat.



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.