Philippines, 18 Sep 2014
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 
Search Boxer:
First Name
Last Name


BOXERS                         

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

FIGHT SCHEDULES        

FIGHT RESULTS            

NEWS                            

HOUSE NEWS                

FORUM                          

FIGHT GALLERIES        

TRAINERS                     

MANAGERS                    

PROMOTERS                  

BOXING GYMS               

RING CARD GIRLS        


 



Dong Secuya
Web Editor

Rene Bonsubre, Jr.
Contributing Editor

Homer D. Sayson
NBA Section Editor




Ronnie Nathanielsz

Rich Mazon

Eddie Alinea

Epifanio M. Almeda

Anthony Andales

Jason Aniel

Hesiquio Balderas

Sid Bañez

Brett Bonetti

Marlon Bernardino

Winchell Campos

Socrates Celestial

T. Chin-Te

Carlos Costa

Christopher Cruz

Rob Cruz

Jonathan Davis

Dr. Ed de la Vega

Lito delos Reyes

Gianluca (Rio) Di Caro

Edwin G. Espejo

Dennis U. Eroa

Ron Galarpe

Joaquin Henson

Oliver Iglesias

Dionis Jacobe

Ted Lerner

Salven Lagumbay

Reylan Loberternos

Mike Angel Lopez

Salvador Lopez

Joan Secuya-Medida

Ryan Medida

Rico Navarro

Rod Mijares

Manny Pacquiao

Gerry Peñalosa

Greg R. Penilla, M.D.

Gov. Manny Piñol

Dr. Allan Recto

Hermie Rivera

Emmanuel T. Rivera

Virgi T. Romano

Nicholai R. Roska

Maloney L. Samaco

Sev Sarmenta

Reynaldo Seno

Myron Sta. Ana

Atty. Danrex Joseph V. Tapdasan

Recah Trinidad

Reni M. Valenzuela

Mark F. Villanueva




 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Tuloy Pa Rin Ang Trabaho

PhilBoxing.com
28 Jul 2011



SARANGANI — Magandang araw po ulit sa inyong lahat lalung-lalo na sa mga kapwa ko ka-probinsiya ng Sarangani kasama na rin ang mga sumusubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod na ngayon ay nasa lalawigang malapit sa aking puso.

Kahit na recess po kami sa Kamara, patuloy pa rin ang pag-aasikaso ko sa mga proyektong aming ipinatatayo sa Sarangani. Gaya ng aking pangako noong eleksyon, tinutupad ko ang aking mga binitiwang salita at sa tulong ng pamahalaan at ng pribadong sektor, unti-unti nang natutupad ang ilan sa mga pinangarap natin.

Bukod sa pagpapatayo ng kauna-unahang ospital sa Sarangani, marami pang ibang proyekto ang aming inumpisahan at ngayon ay naisasakatuparan na. Nais kong maiba sa karamihan ng mga nangangako na sa huli naman ay napapako. Nais kong palitan ang imahe ng isang politiko na kadalasan ay kinamumuhian ng marami sa atin dahil sa pangungurakot at pagbubulsa sa mga salaping dapat ay napupunta sa mga mamamayan.

Hindi pa naman naitatayo ang ospital ngunit halos tapos na ang mga plano at sana, hindi na tatagal ang paghihintay ng marami. Marami pang dapat ayusin, marami pang dapat tapusin at nagpapasalamat ako sa lahat ng aking mga kasamahan, kaibigan at kababayan dito sa Sarangani na tumutulong upang mapabilis ang proseso.

Malayo pa naman ang promotional tour ng nalalapit na laban naming ni Juan Manuel Marquez sa Nov. 12 sa Las Vegas, Nevada. Nakatakdang dumating dito sa bansa si Marquez sa Setyembre 3 upang i-promote namin ang laban. Pagkatapos nito ay dadayo rin ako sa Mexico at itutuloy namin ang trip sa America.

Excited na ako na lumaban at maghanda para sa ikatlong bakabakan namin ni Marquez at mapatunayan muli na ako ang nagwagi sa huling dalawang laban. Sa paghaharap na ito, nais kong maging malinaw at walang bahid ng pagdududa ang resulta ng laban.

Sa darating naman na mga araw at sa pagtatapos ng linggong ito, babalik ulit kami sa Kamaynilaan upang magbigay-saya sa ating mga kababayan sa bansa at sa buong mundo sa pamamagitan ng telebisyon at ng aking bagong game show, ang “Manny, Many Prizes.” Masaya at lubos akong natutuwa na makita at mabakas sa mga mata ng aking mga kababayan ang pagkakaroon ng pag-asa at makapagbigay-aliw sa mga nalulungkot at mga nangangailangan. Sa aking munting pamamaraan, nakakapamigay din kami ng saya.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All!

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com




Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 




 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2014 philboxing.com.