Philippines, 26 Apr 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


GREATEST SHOW ON EARTH

PhilBoxing.com
Sun, 10 Aug 2008




BEIJING ? Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at gusto ko kayong batiin ng isang mainit na "ni hao," ang Chinese translation ng hello.

Sa kasalukuyan, ako po ay nasa Beijing, China at dumalo ako sa pagbubukas ng Olympics, ang pinakamalaking sports event sa buong mundo. Sa totoo lang po, kahit na sanay na ako na nagtatanghal sa itaas ng ring, ang experience na ito ay walang kaparis dahil napasama ako sa pinakamagagaling na atleta ng planeta. Tumatayo ang aking balahibo habang tangan ko ang flag ng Philippines at buong sigla ko itong iwinawagayway gaya ng ilang beses ko nang ginagawa kapag ako ay lumalaban at nananalo.

Hindi ko lubos maipaliwanag ang saya at pagkamangha na aking nadarama kahit na hindi ako kasali sa Olympics. Isa talagang malaking karangalan ito para sa akin at sa aking pamilya.

Siguro nga, hindi ko kapalaran ang mapasali sa Olympics noong ako ay nag-uumpisa pa lang sa boxing. Pero dahil na rin sa aking pagpupursigi na gumaling at magwagi bilang isang professional boxer, kaya ako naging kampeon. Gaya rin siguro ng magiting na alamat ng boxing na si Alexis Arguello na humawak ng flag ng Nicaragua, ako ay napili dahil na rin sa aking mga nakamit na karangalan para sa bansa.

Nalaman ko na may 1.3 billion na katao pala dito sa China at ang marinig ang sabay-sabay na tambol ng 2,008 katao o ang makita ang ganda ng 2,008 kataong sumasayaw ng tai chi na sabay-sabay ay isang experience na hindi ko makakalimutan. Sabi nila, mahigit na 15,000 katao ang lumahok sa opening ceremonies at ang bawat dance number ay nilahukan ng 2,008 na miyembro.

Nabusog ang aking gunita sa lahat ng aking nakita, at alam kong lahat ng naririto ay mga kampeon sa kani-kanilang bansa. Alam ko rin na iba-iba ang pansariling disiplina ng bawat kasapi rito at ang paghahanda at paghahangad na makamit ang ginto ay may iba't-ibang kahulugan at pamamaraan.

Ang pagsuot ko ng Barong Tagalog ay nagbigay sa akin ng panibagong kahulugan ng salitang kagitingan dahil alam ko, marami sa mga atleta na naririto ay lumalaban para sa dangal ng kanilang bansa. Gaya ng atletang si Kobe Bryant ng basketbol, na kumikita ng milyones, siya ay nagsasakripisyo na maitayo ang bandila ng USA na walang bayad para lamang makamit ang ginto.

Hindi ko inaasahan na mainit at maalinsangan dito sa Beijing, pero mas mainit na experience ang makita ang mga kapwa ko atleta. May picture nga kami nila Bryant, Lebron James, Jason Kidd at marami pang mga athletes na nakakilala sa akin. Masarap na mapabilang sa hanay ng mga athletes na alam ang sakit at sakripisyo na dinaranas sa sports.

Para sa mga kapwa ko atletang Pinoy gaya nila Henry Dagmil at Marestela Torres (athletics), Mark Javier (archery), Harry Ta?amor (boxing), Sheila Mae Perez at Ryan Fabriga (diving), Eric Ang (shooting), Miguel Molina, James Walsh, Daniel Coakley, Ryan Arabejo at Christel Simms (swimming), Marie Antoinette Rivero at Tshomlee Go (taekwondo) at si Hidilyn Diaz (weightlifting), good luck and bring home the gold.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

Top photo: Fireworks explode over the National Stadium, known as the Bird's Nest at right and the Water Cube National Aquatic Center at left during the opening ceremony of the 2008 Beijing Olympics in Beijing, China Friday, Aug 8, 2008. (AP Photo/Color China Photo)

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.