Philippines, 20 Oct 2020
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        




 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Sana Maging Masaya ang Pasko Natin

PhilBoxing.com
Thu, 20 Dec 2007



Ilang araw na lang at Pasko na. Wish ko sa ating lahat na maging masaya ang Pasko natin lahat.

Kung makakakuha ako ng tickets, pati na ang pamilya ko ng booking bago magpasko, aalis kami papuntang US at doon mag-celebrate. I want to spend christmas with my family in the US and we're going places where my kids will enjoy.

Pero kung hindi naman kami makaalis, sabi kasi ng airline fully-booked daw bago mag-christmas, siguro after christmas na kami pupunta sa US at doon na lang mag-celebrate ng New Year.

Kahapon medyo nag-alala ako sa aking si Princess, kasi galing lang siya sa GenSan, siguro nahilo sa byahe kaya medyo sumuka.

Ganun pala ang feeling, nakakakaba kasi wala naman ako alam sa pag-alaga ng bata, lalo na kapag maysakit. Nakita ko hindi mapalagay si Princess kaya 'di rin ako mapalagay. Mabuti nakatulog, kaya hindi na ako nag-alala.

***

Nagkaroon ng presscon para sa fight namin ni Juan Manuel Marquez sa Crowne Plaza. Nandito ang promoter ko na si Bob Arum, pati si coach Freddie Roach.

Madaming tanong, siyempre, hindi nawala 'yong showbiz, 'yong mga tsismis. Pero sabi ko nga, part ng showbiz 'yon, lalo na kapag may pelikula.

Malapit na rin ipapalabas ang movie ko na 'Anak ng Kumander,' sana suportahan din ng mga fans.

Tungkol naman sa training ko, I want to impress people sa maging laban namin ni Marquez. Kaya next week ay mag-start na ako mag-training, light lang muna. Nandito na nga rin si David Rodela, one of my sparring partner sa nakaraan kong laban.

Kung seryoso ang ensayo ko kay Marco Barrera, mas seryoso na ensayo ang gawin ko ngayon.

Kasi, kapag pinahirapan ko ang sarili ko sa ensayo, maging easy fight na kapag nasa ibabaw ng ring.

My fight in March is not an easy fight, so I will need to take serious training, so that people will be impressed with my performance.

Ang style na gamitin ko kay Marquez, hindi ko masabi, kasi depende 'yon. Pero kapag nag-counter punch siya, dapat sagutin ko rin ng counter. Kung ano ang gagawin niya sa akin, ganon din gawin ko sa kanya.

Kapag nanalo ako sa March, I will have more big fights coming up.

Pero, bago ko isipin ang ibang laban. Eto muna kay Marquez, kasi matagal na ito gusto ng mga tao. Saka lagi ko sinasabi, we have an unfinished business na dapat tapusin.

Hanggang sa muling 'Kumbinasyon. Mabuhay!

Top photo: Philippine boxing hero Manny Pacquiao answers questions from reporters in suburban Mandaluyon city, east of Manila, Philippines, Wednesday, Dec. 19, 2007. Pacquiao announced a rematch title fight with reigning WBC Super Featherweight champ Juan Manuel Marquez from Mexico on March 16, 2008 at Mandalay Bay Events Center, Las Vegas. (AP Photo/Aaron Favila)

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2020 philboxing.com.