Philippines, 25 Apr 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Valero o Diaz, fight ako

PhilBoxing.com
Thu, 18 Oct 2007



Sa mga fans na walang sawang nage-email sa akin, may nag-congratulate, mayron ding nag-advice, may nag-share ng kanilang opinion, maraming salamat po. Lahat po ng message niyo para sa akin ay binabasa ko at pinag-iisipan. Kung hindi man ako nakapag-reply sa inyo, masyado lang po akong busy pero, natanggap ko po lahat ng message n'yo, kahit po 'yung negatibo. 'Wag po kayong mag-alala, ginagawa ko lang po ang lahat para mabigyan kayo ng kasiyahan.

***

Tulad po ng nasabi ni Manong Chavit, nagkaroon lang po ng miscommunication sa hindi ko pagpunta kay Mayor Lim.
Pero, gagawin ko po ang lahat para mapawi ang tampo sa akin ng mga taga-Maynila. Isa po sa mga araw na darating ay bibisitahin ko kayo d'yan.

Ayaw ko na rin pong patulan kung ano pa ang gustong sabihin ng ibang tao sa hindi ko pagpunta kay Mayor Lim, para po hindi na lumaki ang isyu.

***

Update sa sunod kong laban. Sa ngayon po wala pa talagang linaw kung sino ang sunod kong makalaban.

Wala pa pong sinasabi sa akin ang aking promoter, kaya hintayin ko na lang.

Ako wala naman akong inurungan na kalaban, basta parehas lang ang timbang namin, kahit saan, fight ako.

Kung si Edwin Valero ang labanan ko, problema niya 'yung pagpunta sa Amerika, kasi hindi naman siya bibigyan ng visa. Kaya kung maglaban kami sa labas ng Amerika, gawin.

Okey lang sa akin kung si Valero, kasi gusto ko ring masubukan ang galing niya. Sabi kasi ng iba, magaling daw talaga si Valero. Kaya maganda talaga kung maglaban kami, kasi marami rin siyang sinasabi tungkol sa akin.

Napanood ko 'yung laban ni Juan Diaz, makamay siya at gumagalaw, sugod nang sugod. Magandang laban din kung maglaban kami sa lightweight. Saka gusto rin niya akong makalaban, kasi gusto raw niyang maiganti 'yung mga kababayan niyang Mexicano.
Sa ngayon po wala pa akong natanggap na tawag sa promoter. Siguro gusto nilang mag-relaks muna ako.

Pero ang sigurado lang sa Marso ng sunod na taon lalaban ako uli.

Hanggang sa muling "Kumbinasyon". Mabuhay!

This article is also available at Abante Online.



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.