Philippines, 27 Apr 2024
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        


 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


Ako o Siya?

PhilBoxing.com
Thu, 04 Oct 2007



LAS VEGAS --- Tatlong araw na lang bago ang laban at excited na talaga akong lumaban para sa karangalan ng bayan. Kahapon ay nag-presscon kami at bukas ay mag-titimbangan na kaming lahat na lalaban sa naturang event. At s'yempre sa wakas, makakakain na rin kami ng marami, dahil bago ang timbangan ay hindi talaga kami kumakain para makuha namin ang napag-usapang timbang na lalabanan at pagkatapos sa kwarto lang kami magpapahinga para makaipon ng lakas para sa fight.

Nalaman ko na maraming mga kababayan natin na pupunta sa laban na'to, na nanggaling pa sa ibang lugar, may taga-New York, San Antonio, Texas, Los Angeles, San Francisco, New Jersey, San Diego, Sacramento, Boston, Florida at marami pang iba. Maraming salamat sa lahat ng suporta at sa pagbabasa at pagsubaybay sa "Kumbinasyon," kumusta kayong lahat dyan?

***

Sa October 6, malalaman na rin natin kung kaya bang patunayan ni Marco Antonio Barrera ang kanyang mga sinasabi na, he got distracted on our first fight back in 2003, hanep, ingles 'yun ha? Marami akong naririnig galing sa kanyang kampo, na sabi n'ya mananalo daw s'ya sa labang ito, na hindi pa man nagaganap.

Ang sa akin lang, hindi pa natin alam kung ano ang mangyayari sa taas ng ring at sisikapin ko lang ang lahat ng aking makakaya at si LORD na ang bahala pagdating sa taas ng ring. Pareho naman kaming nag-iinsayo nang mabuti at naghangad na manalo sa naturang laban. Ako o Siya? Abangan na lang natin.
Hindi lang 'yung sa amin ni Barrera ang pakakaabangan n'yo na laban, dahil marami pang magagandang laban sa undercard, at gusto naming malaman n'yo po na kayong mga kababayan naming Pilipino ang aming inspirasyon sa bawat laban na aming tatahakin dito sa ibang bansa. Kaya naman walang sawa kaming nagpapasalamat sa inyong suporta at dasal.

Mga kababayan ko, handa na ba kayo sa umaatikabong bakbakan ngayong October 6? Ako handa na.

Hanggang sa muling "Kumbinasyon," mabuhay tayong lahat.


This article is also available at Abante Online.



Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2024 philboxing.com.