Philippines, 01 Oct 2020
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        




 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


'Idol'

PhilBoxing.com
Sat, 08 Sep 2007



Kumusta na mga fans ko? Wag po kayong mag-alala sa aking kundisyon, dahil talagang todo ang insayo ko. Every other day ang sparring ko at tatlo sila na mga kaisparing ko. Nagdya-jogging ako paakyat sa bundok pag hindi sparring day, so talagang puspusan ang insayo namin. At nasa 90% na po ang kundisyon ko. ‘Yan po ang update ng training ko.

Humihingi nga po pala ako ng paumanhin sa mga fans na hindi nakakapasok sa gym during my training. It’s because masyado lang talagang mahigpit ang coach ko, si Freddie Roach. Pero para din naman po sa atin ito at sa karangalan ng bansa. Pagdating po kasi sa gym, si coach Freddie po ang masusunod, dahil s’ya po ang trainer ko na dapat kong sundin para sa tagumpay.

***

Nasisiyahan po ako ngayon, dahil marami nang mga Filipino boxers ang katulad ko’y nagkakaroon ng pagkataon na maipakita ang kanilang galling sa itaas ng ring at nagsisikap makapagbigay ng karangalan sa ating bansa.

Sa bawat tagumpay ng mga atleta, inspirasyon ang ibinibigay sa ating mga Filipino. At basta magsikap lamang tayo, lahat ng ating pangarap ay matutupad.

Nakakabilib ang mga atletang nagsisikap. Kahit gaano kahirap, sige pa rin, maabot lang ang pangarap. Hindi sila nawalan ng pag-asa.

Hindi masama ang mangarap nang mataas, basta’t malinis ang hangarin at walang sinasagasaan na ibang tao.

Kung mapansin n’yo, halos lahat ng isinulat ko dito sa ‘Kumbinasyon’ ay lagi kong binanggit ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili at malinis na hangarin. Dahil ‘yan po ang aking ginawa, bago ko nakamit ang tagumpay.

Pero, hindi ko po maabot ang tagumpay kung mahina ang pananalig ko sa Panginoon.

Kaya, kayo po, mga fans na mga idol ko, wag po kayong makalimot sa pagdarasal. Ipagkatiwala po natin sa kanya an gating mga pangarap.

Sa inyo mga idol, kung nais ninyo ng update ng training ko, lagi lang basahin ang aking kolum.

O, ano mga idol, hanggang sa muli.





Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2020 philboxing.com.