Philippines, 01 Oct 2020
  Home >> News >> Columns >> Manny Pacquiao

 


BOXERS

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

NEWS           

FORUM        

FIGHT GALLERIES        

RING CARD GIRLS        




 
 
Columns


 

"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


'Gustong Linawin'

PhilBoxing.com
Thu, 06 Sep 2007

Mayron lang akong gustong linawin tungkol sa balitang lumabas noong nakaraang buwan. Isinulat ng isang writer at lumabas sa kanyang dyaryo, na pinaghintay ko raw ang eroplano. Pero bago po ‘yun, salamat sa nagpadala ng email sa akin, naiintindihan ko po kayo.

Alam n’yo po, hindi po totoo ang lahat ng nakalagay at nakasulat sa balitang ‘yun.

Ang totoo po, naka-book kami ng trainer ko na si Buboy Fernandez nung araw na ‘yun, pati na si Wakee Salud. Kaya lang pagdating namin sa airport ay nalaman namin ako lang at si Wakee ang makakasakay para umalis, dahil puno daw ang eroplano.

Kaya po pinakiusapan ko si Wakee na kung pwede magpalit sila ni Buboy ng tiket. Tinawagan nila agad ang head ng PAL at pinakiusapan na si Buboy na lang ang makakasama kong makaalis. Sinabihan kaming maghintay sandali dahil aayusin pa nila.

Sa madaling salita, pumayag din ang PAL na si Buboy ang makasama ko na umalis. Kailangan ko si Buboy, dahil trainer ko siya at pagdating namin sa Los Angeles ay wala pa si coach Freddie Roach, dahil sa panahong iyun ay nasa Sacramento siya para tulungan ang mga Pinoy boxers na lumaban, kung maalala ninyo ‘yung World Cup Philippines vs Mexico. Kaya walang magtuturo sa akin sa Wild Card gym.

Eto lang po masabi ko, may takot ako sa Panginoon at ayaw ko pong magsinungaling. Sinasabi at pinaliwanag ko lang po ang totoo.

***

Alam ko po na nag-alala ang mga fans ko dahil nagkasakit ako. Wag po kayong mag-alala, okey na po ako at balik na sa regular training.

Sisikapin ko po na makapagbigay ng magandang laban at kasiyahan sa inyo. Pero hindi po ako nangangako, dahil bahala na po ang Mahal na Panginoon sa akin.

Maraming salamat sa lahat ng suporta ninyo sa akin. At hinihiling ko rin po ang inyong suporta at dasal sa iba pang kapwa ko atleta na nagbibigay ng karangalan sa ating bayan.

Mabuhay po tayong mga Pilipino.


Filipino boxing superstar Manny Pacquiao has started writing articles which he contribute to Abante and PhilBoxing.com. This story is also available at the Tagalog-based news website Abante.




Click here for a complete listing of columns by this author.

Click here for a complete listing of this author's articles from different news sources.

 



 
PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
Please send comments to feedback@philboxing.com


PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
developed and maintained by dong secuya
© 2020 philboxing.com.