Philippines, 13 Nov 2019
  Home >> News >> List of Articles >> Manny Pacquiao

 
Search Boxer:
First Name
Last Name


BOXERS                         

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

FIGHT SCHEDULES        

FIGHT RESULTS            

NEWS                            

HOUSE NEWS                

FORUM                          

FIGHT GALLERIES        

TRAINERS                     

MANAGERS                    

PROMOTERS                  

BOXING GYMS               

RING CARD GIRLS        




 
 
List of Articles by Manny Pacquiao


 

Pagiging dalubhasa sa boxing at sa buhay

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
01 Feb 2009




MANILA -- Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon. Gaya pa rin ng dati, ako po ay nasa mabuting kalagayan at nagsisimula na ring magpakondisyon upang maging handa sa laban sa May 2, sa Las Vegas, Nevada.

Habang inihahanda na ang mga bagay-bagay para sa pagpo-promote namin ni Ricky Hatton sa katapusan ng buwan na ito sa United Kingdom, New York at Los Angeles, pinagkakaabalahan kong tapusin ang maraming mga commitment ko sa aking bansa, business at sa aking pamilya.

Nasa Manila ako ngayon at ipinasyal ko ang aking pamilya, tapos lilipad din ako bukas patungo sa General Santos City para tapusin ang aking pag-aaral sa kolehiyo.

Naisisingit ko rin ang ilang sandali gaya ng paglalaro ng golf kasama ang aking mga kaibigan, na siya ring nagsisilbing pangkundisyon ko sa aking katawan. Inaasahan kong magsimula ng training sa unang linggo ng Marso upang paghandaan ang laban kontra sa 140-pound champion na si Hatton.

Kasama rin nito ay ang aking pagtanggap ng isa pang parangal sa aking buhay, ang pagiging isang Doctor sa Human Kinetics, "Honoris Causa." Ang administration ng Southwestern University at ang Department of Education ay magbibigay sa akin nito sa February 18 sa Cebu.

Ayon sa pagkaka-explain sa akin, ang "Honoris causa" ay nangangahulugan ng "para sa karangalan." Ito ay isang academic degree na ibinibigay ng isang universidad na wala nang bayad sa matrikula, pagtatapos ng mga leksiyon at pagpapasa ng mga pagsusulit sa kolehiyo.

Natutuwa po ako sa parangal na ito dahil binibigyan ng Southwestern University ng paggunita ang aking pagkadalubhasa sa sport ng boxing at sa larangan ng palakasan at kasama na rin siguro sa pagtatagumpay sa buhay.

Ang pagiging doctor sa Human Kinetics ay aking naumpisahan at natamo mula pa noong ako ay bata. Nalaman ko at nadiskubre mula pa noong nagsisimula ako sa pagboboksing na walang ibang sikreto sa pagwawagi sa ibabaw ng ring kung hindi ang sipag sa training at focus sa minimithing premyo na siyang magpapalaki ng anumang talento ng isang boksingero. Ang boksing ay sining at napatunayan natin iyan, na kahit tayo ay maliit sa laban, ay kaya nating lumaban ng sabayan at manalo pa sa kadalasan.

Natutunan ko rin sa gitna ng kahirapan ng buhay noong ako ay nagsisimula pa lang ang pagkain ng mga tamang pagkain upang lumakas ang katawan. Ang disiplina sa sarili ay may malaking kontribusyon sa pagiging isang kampeon. Pero siyempre, una sa lahat, ay ang pananampalataya sa Panginoong Diyos, isang bagay na hindi dapat mawala dahil ang ispiritwal na bahagi ng paghahanda sa isang laban ay ang pinakaimportante sa lahat. Healthy spirit, healthy mind and a healthy body—iyan ang sikreto ng inyong abang lingkod.

I will become a "doctor" in this business of boxing by learning things the hard way through hard work and believing that I can become a champion with the help of God. I thank everyone for the honor they have given me. I am still learning. I am still a student of the sweet science and I do not stop to achieve perfection in boxing and in life.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Back to Manny Pacquiao's Articles Listing



Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • RIAKPORHE AND MASSEY CLASH FOR BRITISH TITLE AT YORK HALL
    By , 13 Nov 2019
  • NBA Daily: Clippers Beat Raptors 98-88, Despite Kawhi’s Struggles
    By Reylan Loberternos, 13 Nov 2019
  • Alycia Baumgardner Headlines Against Former World Title Challenger Christina del valle Pacheco on Saturday, December 14th at The Zembo Shrine in Harrisburg, PA
    By , 13 Nov 2019
  • Kawhi Klaws Out Victory Over His Old Team & Reigning Champs the Toronto Raptors
    By John Holtz, 13 Nov 2019
  • ATLANTIC CITY BOXING HALL OF FAME ANNOUNCES ITS 2020 HONOREES FOR ITS 4TH ANNUAL WEEKEND
    By , 13 Nov 2019
  • CSI IS THE OFFICIAL SPONSOR OF TEAM USA
    By , 13 Nov 2019
  • Shall We See The Same Monster Inoue Again?
    By Teodoro Medina Reynoso, 12 Nov 2019
  • Warriors fall to the Jazz, 122-108
    By Jason Aniel, 12 Nov 2019
  • BORNEA FIGHTS FELLOW UNDEFEATED PINOY IN U.S. DEBUT
    By , 12 Nov 2019
  • NBA Daily: Raptors Snap Lakers’ 7-Game Winning Streak 113-104
    By Reylan Loberternos, 12 Nov 2019
  • 33rd annual Ring 8 Holiday Event & Awards Ceremony Dec. 8 in New York
    By , 12 Nov 2019
  • NBA -- Blazers end four-game slump
    By Ryan Gallardo, 12 Nov 2019
  • Boxing Insight: Should Nonito Donaire Jr. Retire?
    By Mark F. Villanueva, 11 Nov 2019
  • Joey Antonio to play at FIDE World Seniors 2019 Chess Championships in Bucharest
    By Marlon Bernardino, 11 Nov 2019
  • NBA -- Barrage of Rockets' 3s silence Bulls, 117-94
    By Ricardo Carbajal, 11 Nov 2019
  • Crucial Role of Coaching in Boxing (or Too Many Cooks Spoil the Broth)
    By Teodoro Medina Reynoso, 11 Nov 2019
  • GAB RAMPS UP PHILIPPINE TITLE FIGHTS
    By , 11 Nov 2019
  • NBA Daily: Harden Explodes for 42, as Rockets Blast Bulls in Chicago 117-94
    By Reylan Loberternos, 11 Nov 2019
  • Class act in boxing
    By Joaquin Henson, 10 Nov 2019
  • Fresno Firepower: Jamel Herring Retains Title
    By , 10 Nov 2019





  •  




     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2019 philboxing.com.