Saturday, 10 October 2026 · Philippines RSS
PhilBoxing.com The Philippine Boxing Portal
Boxing

Usap-usapan sa pagkandidato ni Pacquiao umiinit

Umugong lalo ang isyu sa pagtakbo ni Manny Pacquiao sa darating na eleksyon matapos madiskubre na nagparehistro siya bilang botante sa Maynila.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC) sa lungsod, Hulyo 5, 2006 nang magsumite ng request for transfer of residency si Emmanuel Dapidran Pacquiao o Manny Pacquiao.

Nagpapalipat ang boksingero ng voting registry sa 6th district ng Maynila mula General Santos City.

Sa kanyang application, inilagay niyang address ang Building 2, Unit 111, Residencias de Manila sa Paco, Barangay 832.

Hindi naman ito itinanggi ng “People’s Champ.”

Inamin niyang inaayos niya ang paglipat ng kanyang residency sa Lungsod Maynila.

Inamin din niyang ibinigay sa kanya ng Pangulong Arroyo at ni Manila Mayor Lito Atienza ang condominium unit na nilipatan niya.

Bunga nito, mas nabibigyan ng kulay ang kanya umanong ambisyon sa pulitika.

Posible daw kasing hakbang na ito sa pagtakbo niya sa susunod na eleksyon sa Maynila

Matapos ang isang taong residency sa isang lugar, qualified nang tumakbo ang isang residente. Pwede na magkandidato basta may isang taon sya ng residnte siya dito sa Maynila sa araw ng eleksyon.

Pero nilinaw ng local COMELEC office na kailangang pang dumaan sa verification at approval hearing ang hiling ni Pacquiao na residency transfer.

Anuman ang maging desisyon ni manny pacquiao pagdating sa pulitika sa ngayon, tinutukan niya ang nalalapit nilang bakbakan sa ring ni Erik Morales.

More from PhilBoxing