Saturday, 10 October 2026 · Philippines RSS
PhilBoxing.com The Philippine Boxing Portal
Boxing

Sagupaang Pacquiao-Larios magiging mainit

Dinumog ang press conferenc nina Manny Pacquiao at Oscar Larios sa Discovery Suites nitong Huwebes.

Kabilang sa mga dumalo ay mga mamahayag na lokal at international press para saksihan ang inaasahang mainit na bakbakan ng Pinoy at Mexicano.

Magkatabi sa upuan sina Pacquiao at Larios.

Tatlong tulog bago ang laban, magalang ang dalawa sa isa’t isa at todo-ngiti pa nga.

Masaya ang dalawang boksingero at halos hindi na makapag-antay sa bakabakan.

Si Larios, walang iniisip kundi panalo. Aniya, sigurado raw ang kanyang tagumpay.

Dumating rin sa bansa ang original “Chololo,” ang tatay ni Larios na si Teodoro na siyang nagturo ng boksing sa kanyang anak noong siya ay 10 taong gulang pa lang.

Inaasahan rin ni Teodoro ang pambihirang panalo ng anak

Si Pacquiao naman, cool na cool at sinakyan lang ang mga prediksyon nina Larios. Aniya, kahit daw ano ang ibato sa kanya ay handa siya.

Ayon kay Bob Sheridan, ang Amerikanong commentator na narito sa Maynila noong “Thrilla in Manila” ng 1975, lamang si Pacquiao pero may laban si Larios.

?If Manny hits him in the chin in the first round and he doesn?t fall down then we will have a nice fight,? aniya.

More from PhilBoxing