Russian sparmate ni Manny mas magaling kay Larios — Roach
HINDI namalas kay Manny Pacquiao kung naapektuhan siya ng hindi magandang resulta ng kanyang self-titled movie sa box office sa huling araw ng kanyang puspusang pagsasanay para sa kanyang nalalapit na laban kay Oscar Larios sa Araneta Coliseum.
Pinahirapan ng 27-anyos na tubong General Santos City si Russian lightweight partner Rustam Nugaev, na halos mapabagsak niya sa kalagitnaan ng kanilang mainit na five round sparring session sa ABAP (Amateur Boxing Association of the Philippines) gym kahapon.
Sa kanyang right hook na tumama sa katawan ng kanyang nakababatang katunggali, pinanginig ni Pacquiao ang tuhod ni Nugaev sa third round ng kanilang sparring, isang tagpo na hindi nakalagpas sa paningin ng kanyang American trainer na si Freddie Roach.
“He was very sharp today. I’m very happy with his performance,” wika ng Hall-of-Famer trainer.
“His timing was great. Whenever he wanted to land a right hook, it was right there for him. I’m so happy with the right hook today. It was right there. And the body shots today are where we want it to be.”
Ang ipinakitang gilas at lakas ni Pacquiao sa training session kahapon ay kahanga-hanga sa kabila ng hindi pagtabo sa takilya ng kanyang film bio, na kasalukuyang ipinalalabas sa mga sinehan sa Metro Manila.
Sa naunang report mula sa movie industry, sinabing hindi kumita ang pelikulang nagpapalabas sa buhay at pag-ibig ng Filipino ring icon, isang bagay na kinumpirma ni independent at long time columnist Alfie Lorenzo.
Gayunman ay umaasa pa rin ang iba na lalaki ang kita ng pelikula hanggang sa mga huling araw palapit sa July 2 non-title bout sa 29-anyos na si Larios.
Minadali ang paggawa sa pelikula upang maipalabas ito bago ang ‘Mano-a-Mano’ fight sa pagitan nina Pacquiao at Larios sa Big Dome.
“Flop nga raw,” bulong ng isang malapit kay Pacquiao habang nagbibihis ang 27-anyos na dating kampeon, ilang sandali matapos ang kanyang sparring session.
“OK ako. Nandun `yung sharpness ng mata ko sa suntok at bilis. Tsaka `yung kundisyon ko, todo-todo,” wika ni Pacquiao.
“Dini-develop namin talaga `yung kanang kamay ko kasi marami nang boksingero na kalaban ko na alam `yung sikreto ng power ko (`yung kaliwa). Kaya we develop my right hand, both hook and uppercut,” aniya.
Binalaan ni Roach ang mga nagdududa sa kakayahan ni Nugaev.
“This guy’s just not a sparring partner. He’s looking for a world title,” wika ni Roach patungkol sa Russian figher. “He’s not just a sparring partner, he’s an up-and-coming fighter. One thing I like about this guy is that he won’t quit. He’s not scared of Manny and he’ll give you a hundred percent.”
Sinabi pa ng American trainer na kung tutuusin ay mas magaling si Nugaev kay Larios.
“He (Russian) is much faster than Larios. So whatever Larios brings up, he’s good. I think he’s bigger than Larios. I think he’s stronger than Larios, that’s why I brought him in,” ani Roach.