Friday, 9 October 2026 · Philippines RSS
PhilBoxing.com The Philippine Boxing Portal
Boxing

Sylvester Stallone bilib kay PacMan

Pinuri ng Hollywood action star na si Sylvester Stallone ang Filipino boxing sensation na si Manny “PacMan” Pacquiao sa isang awards night para sa boxing reporters sa Las Vegas.

Ang pagtitipon para sa Boxing Writers Association Awards Night ay ginanap sa Mandalay Bay Ballroom sa Las Vegas kung saan si Stallone ay isang panauhing pandangal. Ginaganap ito taun-taon sa Estados Unidos at dito binibigyan ng parangal ang lahat ng nagtagumpay sa sport ng boxing

Si Stallone ang unang tumanggap ng award na “Lifetime Cinematic Award,” para sa nagawa niya sa lahat ng pelikulang Rocky at sa boxing reality show na “The Contender.”

“It’s a privilege to try and represent what you all represent everyday. And i’ll try to do it as long as possible. Because remember, the last thing that has to age is the heart,” ani Stallone nang tanggapin ang karangalan.

Ayon kay Stallone, hindi imposible na mapasama ang mga Pinoy boxer sa “The Contender.”

Sa isang panayam, inamin ni Stallone na hanga siya kay Pacquiao.

“He’s fantastic. I met him before. He’s always smiling. Incredibly strong, brave. If he gained 50 more pounds Pacquiao would be the heavyweight champion of the world,” ani Stallone.

Binati rin niya si Pacquiao sa kanyang darating na laban kay Oscar Larios sa Hulyo 2 sa Maynila.

“He’s the superstar. He’s like the Elvis of the Philippines. He’s great. Congratulations and good luck Manny,” dagdag pa niya.

More from PhilBoxing