SO it’s super confirmed. Under negotiations na ang paki-kipag-usap kay Jericho Rosa-les para gumanap bilang Manny Pacquiao sa film biography nito.
Co-production venture ng Star Cinema at FLT Films ang The Manny Paquaio Story (although ‘di pa namin alam kung ito na ang final title), at nagkaroon na ng initial talks between producers Mommy Rose Flaminiano ng FLT, Malou Santos ng Star Cinema at ang supervising producer na si Manny Valera, tungkol sa malaking proyektong ito.
Pasok na pasok kung si Jericho ang gaganap bilang Manny Pacquiao, dahil sa kuwadra ng ABS-CBN at Star Cinema, wala na rin kaming nakikitang iba pang aktor of Jericho’s caliber (and age bracket) na sikat, kundi siya lamang. Lalo’t pinasok na nga nito ang action via Panday.
Mabilis din naman itong si Mommy Rose, na tatahi-tahimik at ilang taon ding “bokya” sa pagpo-produce ng movies, pero heto’t nag-iingay ngayon ang FLT produ, with matching pagbiyahe pa all the way to Los Angeles and Las Vegas upang makipag-deal lang kay Pacquiao.
* * *
AT siyempre pa, if direk Manny Valera is around, can Direk Joel Lamangan be far behind? Hehehe.
For everybody’s info, manager ni Direk Joel si DMV sa pelikula at sadyang kay-rami na nilang napatunayan as effective tandem, mapa-pelikula man, telebisyon, o teatro, like in the case of the suc-cessful Penis Talks na twice nang namayagpag sa Music Museum.
Ang paborito rin ni Direk Joel na scriptwriter na si Roy Iglesias ang susulat ng script and by now ay nasa scripting stage na si Roy, with various research and personal interviews mismo kay Pacman at sa pamilya nito.
Balitang super-excited si Jericho nang makarating sa kanya ang offer, and hopefully ay maplantsa na ang lahat with Echo’s manager Johnny Manahan ng ABS-CBN Star Magic.
Since may GMA contract si Angel Locsin, pati na sa Regal Entertainment, hindi ito puwedeng lumabas bilang Jinky na asawa ni Paquiao, kahit si Angel ang personal choice ni Manny P at ni Mommy Rose. Frustrated daw tuloy si Pacman dahil hindi natupad na ang matagal na niyang pinapantasyang si Angel ang magiging leading lady niya sa kanyang film bio.
Ang pinagpipilian ngayon ay tatlong “mababangong pangalan” sa Kapamilya network: Kristine Hermosa, Bea Alonzo at Heart Evangelista.
So, “laglag” na nga si Angel sa casting. For us, it has to be Kristine dahil bukod sa na-link ito kay Echo, eh, swak sa edad niya ang role ng asawa ni Pacman.
Si Bea kasi’y super-identified kay John Lloyd Cruz at batang-bata naman si Heart although magkapareha sila sa Panday. Naku, for all we know, baka nga maging si Heart pa ‘yan dahil sila ni Echo ang current tandem on the small screen.
Balitang magsu-shooting din ang grupo sa Los Angeles at Las Vegas to give a realistic touch. Eh, kung ang Vietnam Rose na pang-TV lang ni Direk Joel, nakakapag-Vietnam, di ba?
This is so exciting dahil mahahawakan, for the first time, ni Direk Joel si Jericho, one of the best actors of today’s generation.
* * *
BIG day para sa ABS-CBN ang February 4, Sabado dahil bu-kod sa first year anniversary ng Wowowee, eh launching ng Pinoy Big Brother Ce-lebrity Edition pati na ang Komiks.
Hayan nga’t sa Baywalk sa Roxas Boulevard pa maga-ganap ang magarbong laun-ching ng PBB Celebrity Edition na as we write this ay “iti-nago” na raw ng staff and per-sonnel ng show ang lahat ng celebrities na gugulantang sa publiko come Feb 4.
Ang pinalitan naman ng Komiks ay ang Magandang Gabi Bayan. Naging kontrobersyal pa ang pama-maalam sa ere ng show na ito ni Vice-President Noli de Castro na tumagal ng 18 years.
Halaw sa mga akda ng mga komiks favorite authors/novelists na sina Pablo Gomez, Elena Patron, Nerissa Cabral, Hal Santiago, Vic Poblete, Rod Santiago, at Joe Lad Santos ang mapapanood na-ting mga istorya tuwing Sabado nang alas-6 ng gabi.
Pinagpiyestahan ng ma-sang Pinoy ang kanilang mga obra tulad ng Inday Bote, Blusang Itim, Agua Bendita, Mamayang Hatinggabi, etc. Pambuwena ma-nong handog ang Inday Bote with real life sweethearts Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo.
Sabi ni Deo Endrinal, suwerte raw si Juday sa mga “launching” o pilot episodes ng shows ng Dos, tulad nung nag-pilot ang Wansapanataym na siya ang guest. In fairness, ilang taon ding tumakbo ang Wansapanataym. Ngayon lang nagka-trabaho sina Juday and Ryan sa isang comedy project, at pa-rang ‘di na sila nagtatrabaho dahil ine-enjoy na lang nila ang mga eksena. Tingnan na-tin ang kaibahan ng atake ni Juday with that of Maricel Soriano sa Inday Bote at ni Ryan with William Martinez.
* * *
KUNG si Echo si Pacquiao, at si Juday si Inday Bote, si Joseph Bitangcol naman ang ga-ganap bilang makabagong Machete. Pinagkumpara raw namin, o! Hahaha.
Anyway, true as it can be, mga mare. Say pa ni Deo En-drinal na executive ng Dos, si Joseph nga raw ang napipisil nilang maging Machete sa Komiks pa rin.
Eh, hindi ba’t mala-Gardo Versoza dapat ang kamachohan? ‘Yun ang unang tili ng mga baklesh. Pero, say ni Deo, magiging comical lang daw ang treatment ng kuwento ng Machete.
So, meaning, ‘di kaila-ngan ni Joseph na maging pa-nalo ang katawan at kahit wa-lang “bukol” (na muscle, ga-gah!), eh, pasok na rin bilang Machete? Hindi kaya mabago totally ang concept at origi-nal story ‘pag nagkataon? Kunsabagay, binibigyan na-man daw ng 2006 touch ang bawat kuwento sa nasabing new series.
Nga pala, si Cass Ponti ang gaganap na bida sa Blusang Itim, sina Geoff Eigenmann at Anne Curtis sa Ma-mayang Hatinggabi at sina Rica Peralejo at Bernard Palanca sa Vincent.
Kabilang sa mga direktor sina Erick Salud, Lino Caye-tano at Jerry Sineneng.