It’s final! Si Bea Alonzo ang napili para gumanap bilang Mrs. Jinky Pacquiao sa bio-flick ng asawa nitong si Manny Pacquiao. Kinumpirma ito sa Tempo ni Manny Valera, supervising producer ng movie na joint-venture ng FLT Films at Star Cinema. Kasosyo rin ang boxing champ sa pagsasa-pelikula ng buhay nito.
Tatlong aktres ang pinagpilian to portray the role of Jinky , sina Bea, Kristine Hermosa at Heart Evange-lista, ayon kay Manny. Happy at excited naman si Bea na siya ang final choice. Isang malaking karangalan daw sa kanya na gampanan ang role bilang asawa ni Jericho Rosales na gaganap bilang Manny Pacquiao. Dream come true for her na makatrabaho si Jericho na isa sa mga hinahangaan niyang aktor.
Si Kristine Hermosa sana ang gusto ni Jinky na gumanap sa kanyang character dahil magkahawig daw sila ng mestisang aktres. Si Heart Evangelista naman ang choice ni Jericho. Personal choice naman sana ni Mrs. Rose Flaminiano (FLT Films’ producer) si Angel Locsin. But then,alam niyang imposibleng makuha nila ang aktres dahil under contract ito sa GMA Artist Center.
In any case, sa February 8 ang big presscon para sa “The Manny Pacquiao Story” na magsisil-bing Welcome cum Victory Party na rin for Pacman. Si Joel Lamangan ang direc-tor ng kan-yang bio-flick at si Roy Igle-sias ang scriptwriter. (Rowena Agilada)