Friday, 9 October 2026 · Philippines RSS
PhilBoxing.com The Philippine Boxing Portal
Boxing

Jericho to play Pacquiao

IT’S definite na si Jericho Rosales ang gaganap bilang Manny Pacquiao sa bio-film nito na joint-venture ng FLT Films at Star Cinema.

Kinumpirma ito ni Manny Valera, supervising producer ng bio flick ni Pacquiao at balitang kasosyo rin ito sa pagsasapelikula ng kanyang buhay. May special participation si Rudy Fernandez na gaganap bilang kaibigan at boxing trainor ni Jericho. Si Joel Lamangan ang director at si Roy Iglesias ang scriptwriter.

As of press time, tatlong aktres ang pinagpipiliang gaganap bilang Jinky na asawa ni Pacman. Ayon kay Valera, tatlo ang pinagpipilian – sina Bea Alonzo, Heart Evangelista at Kristine Hermosa.

Kung si Jinky ang masusunod, gusto niyang si Kristine ang gumanap sa kanyang character dahil mas kahawig daw niya ang aktres. May big presscon on Feb. 8 para ihayag ang kumpletong cast at iba pang detalye sa pagsasapelikula ng buhay ni Pacquiao.

Si Angel Locsin naman sana ang personal choice ni Mrs. Rose Flaminiano (FLT Films’ producer) to portray the role of Jinky. But then, contract star si Angel ng GMA Artist Center at malabong payagan itong lumabas sa Star Cinema (movie arm ng ABS-CBN). Nagulat nga si Angel noong nalamang siya ang gusto ni Mrs. Flaminiano to be Jericho’s leading lady. “Talaga? Why not. Jericho Rosales ‘yon. It’s an honor. At saka, idol ko si Pacquiao,” reaction ni Angel. (Rowena Agilada)

More from PhilBoxing