As of this writing, under negotiations pa kung si Jericho Rosales ang gaganap bilang Manny Pacquiao sa film bio nito na ipoprodyus ng FLT Films. It was earlier reported na pinagpipilian kung sino kina Jericho at Robin Padilla ang gaganap bilang Manny Pacquiao.
As his wife naman na si Jinky, kinukunsider diumano sina Angelika dela Cruz at Kristine Hermosa. Sa isang interbyu ay tinanong si Pacman kung sino sa dalawang aktor ang gusto niyang gumanap sa kanyang life story.
Pero safe ang sagot ni Manny at bahala na raw o kahit sino sa dalawa. But according to someone close to Pacquaio, he prefers Jericho na gumanap sa papel bilang Manny Pacquiao. Naniniwala raw kasi si Pacquiao na mas lalong mapapangalagaan ng ABS-CBN ang publicity ng kanyang film bio kung si Jericho ang gaganap. Kapamilya star kasi ang aktor.
Si Joel Lamangan ang magdidirek ng “The Manny Pacquiao Sto-ry” at si Roy Iglesias ang scriptwriter. By next week, magkakaroon ng big presscon ang FLT Films para sa formal announcement kung sino tala-ga ang gaganap bilang Manny Pacquiao sa film bio nito. Eh, kung siya na lang kaya mismo? (Ro-wena Agilada)