Thursday, 8 October 2026 · Philippines RSS
PhilBoxing.com The Philippine Boxing Portal
Boxing

Mabuhay ka, Manny!

Ang mumunting daigdig ng bayang karerista ay nagdiriwang din sa iyong nagniningning na tagumpay over Mexican legend Eric ?El Terrible? Morales whom you knocked down twice forcing the referee to step in and stop the fight in two minutes and 33 seconds of the tenth round to save him from farther harm.

Yeah, wala yata sa aming mga ?colleague? na nakausap ko dito sa karerahan and di ?sinakripisyo? ang mga naunang karera (Linggo sa Maynila) para lamang mapanood ang iyong laban dahil nakataya dito ang karangalang ng ating bansa.

At, marami pa nga ang nagalak, lalu na ang mga llamadista, nang makita ang resulta ng mga nagsipanalong longshots sa si napanood na mga karera dahil malamang na hindi raw nila ito makukuha.

Sa tutoo lamang, ilang karera lamang ang napanood ko nuong nakaraang Linggo. Pero bago ako nanuod sa ?delayed telecast? ay tumawag muna ako sa Bulletin/Tempo upang malaman ang resulta ng laban. Nang sabihin sa akin na tapos na ang laban at nanalo si Manny via referee-stops-contest ay walang kakaba-kaba at masayang pinanuod ko na ang labanan.

Sana?y muling maging guest of honor kang muli dito sa aming munting daigdig o dili kaya?y maisipan sana ng alinman sa dalawa nating karerahan na mag-sponsor ng ?Manny Pacquiao Stakes Race? at natitiyak kong papatok ito nang husto sa takilya.

Again, Mabuhay Ka Manny!! Sana?y lagi kang bigyan ng lakas ng Poong Maykapal sa mga darating mo pang mga laban!

Speaking of longshot, kapuna-punang malimit ngayong sa mga nakalipas na karera ang pagkakaroon ng mga carry-overs sa iba?t ibang mga exotic events katulad ng Winner-Take-All, Pick-6, Pick-5, Super Six at lately, take note, Quartet event ng last Wednesday?s night Quartet event sa last race.

May carry over din dito ang Super Six amounting to P131,220.65 na idinagdag sa last Thursday night races at Santa Ana Park. At ang obvious na dahilan nito?y ang pagkakasegundo ng super-mega-longshot na Just Joshua na pinatnubayan ng ?dehadong? hineteng si E.D. Aderes.

Correct me if I?m wrong, pero nuon lamang yata nagkaroon ng carry-over sa isang Quartet event kung saan pinagtambalan ito ng 4th choice Extreme-Romance, longshot Just Joshua, far 3rd pick Hurry Prince at dehado pa ring Royal Rose or comb. 6/8/14/5. Sa Super Six carry-over naman ay 5th ang top bet My Sheikh at 6th place naman ang 3rd favorite na Strong Colony.

Ang dibidendo naman ng Trifecta event dito, kundi rin ako nagkakamali, ay isang record amounting to P192,696.20 na obviously ay nagkaroon din ng one winner. Ito ay pinagtambalan ng Extreme Romance, Just Joshua at Hurry Prince or comb. 6/8/14. And so, expect more carry-overs in the near future.

See you at Santa Ana Park!

More from PhilBoxing