Saturday, 26 September 2026 · Philippines RSS
PhilBoxing.com The Philippine Boxing Portal
Boxing

Gabi sinaklolohan ni ‘Pacman’

Inaresto ang boksingerong si Diosdado “Prince” Gabi matapos umanong lumabag sa kontrata ng dating manager na si North Cotabato Vice-Governor Emmanuel Pi?ol.

Hindi na nakapalag ang boksingerong si Gabi nang arestuhin ng mga pulis.

Diretso si Gabi sa korte para magbayad ng P5,000 piyansa.

Taong 2005 pa ang kasong isinampa kay Gabi ng dating manager niyang si Pi?ol dahil hindi tinapos ng boksingero ang limang taong kontrata niya at lumipat sa Canadian manager na si Michael Koncz.

“Handa akong makipag-usap kay Pi?ol. Hihingi ako ng tawad,” pahayag ni Gabi.

Handa naman si Pi?ol na patawarin si Gabi pero may kondisyon.

“Kung humingi lang siya ng tawad sa akin personally baka mapatawad ko pa siya. Pero ngayong lumapit siya sa media to think na ma-pressure ako to drop the case, hindi ko iuurong ang kaso,” sabi ni Pi?ol.

Nataon ang pag-aresto kay Gabi sa pagpasa ng Sangguniang Panlungsod ng Davao ng isang resolution na nagbibigay-pugay kay Gabi dahil sa pagkapanalo sa Boxing World Cup.

Agad namang sumaklolo si Manny Pacquiao sa kaibigang si Gabi at namagitan para matapos ang gusot.

“Inareglo ko na ang lahat wala nang problema kinausap ko na, ida-drop na niya ang case. Si Gabi naman nahihiya lang kay Pi?ol,” sabi ni Pacquiao.

More from PhilBoxing