
Hindi makakaapekto sa pagboboksing ni Manny Pacquiao ang kanyang pagkatalo sa pulitika.
Si “People’s Champ” ay tinalo sa eleksiyon ni incumbent Rep. Darlene Antonino-Custodio kahit pa buong bayan ang humanga at dumumog sa kanya sa kanyang mga laban sa boksing.
Tingin ng beteranong sports columnist na si Recah Trinidad, mahal ng mga tao si Pacquiao bilang isang boxing hero pero hindi bilang isang pulitiko.
Nasubaybayan ni Trinidad ang career ni Pacquiao at hindi raw niya lubos maisip kung ano ang magiging papel ni “Pacman” sa Kongreso.
Maging si Manila Mayor Lito Atienza, hindi naging sang-ayon sa pagtakbo ni Pacquiao bilang kongresista.
Paniwala ni Atienza, makakatulong pa sa People’s Champ ang pagkatalo bilang kandidato.
Kapwa sang-ayon sina Trinidad at Atienza na hindi makakaapekto sa pagboboksing ni Pacquiao ang kanyang pagkatalo sa pulitika.