Thursday, 24 September 2026 · Philippines RSS
PhilBoxing.com The Philippine Boxing Portal
Boxing

?Kayang-kaya mo ?yan, Pacman!?

BATID ni Manny Pacquiao na hindi ito ang tamang panahon upang matalo. Hindi sa harap ng milyun-milyong Pilipino, at hindi sa pagkakataong nakataya ang national pride.

Ang paboritong anak ng bansa ay sasagupa kay Mexican slugger Oscar Larios bago magtanghali ngayon sa isang 12-round slugfest, na maaaring paghugutan ng inspirasyon ng bawat Pinoy kung magwawagi si Pacquiao, subalit magiging isang malaking trahedya kung masisilat.

Ngayon pa lamang malalagay ang 27-anyos na southpaw mula sa General Santos City sa ganitong uri ng gipit na sitwasyon, ang lumaban sa harap ng kanyang mga kababayan kontra sa isang katunggali na tulad ni Larios.

Si Larios, ang ?fighting machine? mula sa Guadalajara, Mexico, ay nag-iingat ng record ng pinakamaraming suntok na pinakawalan sa isang laban na umabot sa 1,000 mark.

Bagama?t galing sa devastating third round technical knockout loss sa isa pang Mexican na si Israel Vazquez noong December ng nakaraang taon, tangan pa rin niya ang kinatatakutang 56 panalo sa 61 laban, kabilang ang 36 sa pamamagitan ng knockouts.

Hanggang sa huling sandali ay puspusan ang pag-eensayo ni Pacquiao at idineklara niyang nasa porma siya at handang-handa na para sa pinakaaabangan at hitik sa aksiyong duelo ngayon sa Araneta Coliseum.

?I?m ready,? sabi ng two-time Filipino world champion, ilang oras matapos tumimbang sa 129 at ? pounds sa isinagawang weigh-in kahapon ng umaga sa 22nd floor lounge ng Discovery Suites sa Ortigas.

Si Larios ay nagtala ng eksaktong 129.

Maliban sa maikling paniniguro, ilang salita lamang ang nagmula kay Pacquiao, na nanatiling mailap at muling tumanggi sa media interview.

Hindi rin niya pinagbigyan ang kahilingan para sa prolonged photo op, ilang sandali makaraang ipakita ang kanyang magandang pangangatawan na puno ng muscles at abdominal packs.

Ang kanyang trainer na si Freddie Roach na lamang ang humarap sa mga peryodista.

?We?re ready to go. He made the weight, so there?s no problem,? ani Roach.

Si Roach ang namahala sa 10 sa huling 12 laban ni Pacquiao, kabilang ang kanyang pinakahuling tagumpay, ang sensational 10th round technical knockout kay Mexican legend Eric Morales sa Las Vegas, Nevada, anim na buwan na ang nakalilipas.

Hindi niya itinago ang uri ng fight plan na isasagawa ng tinaguriang ?Pacman? sa sandaling tumuntong siya sa ring laban kay 29-year old Larios.

?We?re gonna fight like we fight before. Aggressive, strong and using both hands this time. Manny is a more complete fighter now. His defense is better and he has more head movements,? ayon pa kay Roach.

?Body shots, then move to the head up. That?s my plan. Larios knows it and there?s nothing he can do about it this time.?

Hindi ito lingid kay Rafael Mendoza, ang agent ni Larios.

?We know Pacquiao will jump the gun on Oscar. He always wants to win by knockout,? pahayag ng veteran prizefight manager.

Kilala sa kanyang mabagal na simula, malaki ang tsansa ni Larios na maitakas ang panalo kapag nakalagpas siya sa unang anim na rounds, ayon kay Mendoza.

?We expect a tough fight. The first six rounds are going to be dangerous for Larios. But if he survives it and controls the fight, he has a very, very good chance of winning,? dagdag pa ni Mendoza.

Subalit iginiit ni Roach na hindi tatagal ang Mexican.

?If Larios will go the distance? No. We?re ready to go 12 rounds, but I don?t think he (Larios) will.?

?I want Manny to start quickly with this guy. This guy is a slow starter. I think Manny should jump to him right away. I don?t want Manny to carry this guy,? dagdag pa ni Roach.

Si Pacquiao ay nag-iingat ng 41 panalo, 3 talo, 2 draws at 33 knockouts. Ang kanyang World Boxing Council (WBC) International super-featherweight title ang nakataya sa laban.

Si long-time Philippine resident Bruce McTavish ng New Zealand ang magiging referee, habang ang tatlong judges na magbibigay ng iskor sa laban ay sina Daniele van de Wiele ng Belgium, Humbert Forgoni ng France at Noparat Sricharoen ng Thailand.

More from PhilBoxing