HINDI inaalala ni Manny Pacquiao ang pagtugon sa super-featherweight limit tungo sa nakatakdang weigh-in ngayon.
Makaraan ang mga regular rituals na nakagawian na sa huling araw ng lahat ng training camp ni Pacquiao, ang 27-anyos na Filipino boxing idol ay handang-handa na para sa 12-round slugfest kay Mexican Oscar Larios bukas sa Araneta Coliseum.
Sinabi ni Freddie Roach, ang Hall-of-Famer trainer ni Pacquiao, na umaasa siyang ang General Santos City native ay madaling makakasunod sa 130-pound weight sa official weigh-in ngayong umaga sa 22nd floor lounge ng Discovery Suites sa Ortigas. ?I predict he?ll probably weigh about 128 or 129 lbs. tomorrow (today). Weight shouldn?t be a problem. We?re pretty much ready to go. No problem,? pahayag ng mahusay na trainer matapos ang late afternoon workout sa ABAP (Amateur Boxing Association of the Philippines) gym na umabot ng dalawang oras.
Ayon kay Roach, si Pacquiao ay maaaring umakyat sa ring na may 140 lbs., ang timbang niya noong huli siyang lumaban kay Eric Morales sa isang kapana-panabik at klasikong duelo sa Las Vegas, Nevada, anim na buwan na ang nakalilipas, na nagwakas sa sensational, 10th round technical knockout victory para sa Filipino bomber.
?By fight time, Manny will log in to the ring at about 140 lbs. He?s not like he used to be. When he first moved up to 130 lbs., he?d come into the ring about 132, 134. But now he?s grown in weight. He?s a lot bigger now,? ani Roach.
Samantala, kumpiyansa rin ang kampo ni Larios na makakaabot sa 130 lbs., sa kabila ng katotohanang ito ang unang pagkakataon na ang Mexican slugger mula sa Guadalajara ay sasabak sa super-featherweight division.
?Oscar is fighting at his real weight,? sabi ng kanyang agent na si Rafael Mendoza at idinagdag na sa mga nakalipas na taon, si Larios ay nahirapang makatugon sa super-bantamweight class (122 lbs).
?He?s in great shape for this fight,? ayon pa sa Mexican ring veteran na ginabayan ang careers ng 18 world champions.
Samantala, marami ang nagdarasal para sa panalo ni Manny, samantalang lahat halos ngayon ng cellphone users ay adik na rin sa pagtaya sa makabagong laro sa text.
Sa makabagong laro na Mano-Milyonaryo ng Entertainment Text Games (E-Games) ay dagsa ang mga kababayang pumupusta at umaasa para sa panalo ni Pacquiao.
Bukod kasi sa naibibigay na moral support sa pamamagitan ng text message ay may tsansa pa silang maging milyonaryo.