
Naging matagumpay ang premiere ng pelikulang “Pacquiao” na pinangunahan mismo ni Manny Pacquiao.
Sopresa rin ang pagdating Jericho Rosales kasama ang girlfriend na si Heart Evangelista para sa premiere noong Martes ng gabi ng pelikula sa SM Megamall.
Hindi naman pahuhuli ang leading lady niyang si Bea Alonzo na kasama si John Loyd Cruz.
Tinapos naman ni Bea at Heart ang isyung may alitan sa pagitan nila na nagsimula noon pa nang nalink si Heart kay John Loyd.
Samantala, walang kasama si Manny at wala rin ang asawa niyang si Jinky.
Habang ipinalalabas ang pelikula, magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ng mga manonood sa bawat eksena.
Tiyak na aabangan ng mga manonood ang sorpresang pagsisiwalat ng buhay ni Pacman, gaya ng isyu tungkol sa babaeng naanakan niya.
Matapos ang premiere, mistulang shock pa si Manny matapos mapanood ang buhay sa big screen. Pero agad niyang binati si Jericho sa magaling na pagganap niya.
Nilinaw naman ni Jericho na hindi ito ang huli niyang pelikula.
“I’d like to clear that. This is not my last movie. Im taking a break after this one. Galing ako sa Panday…Pacquiao pa. Bugbog na ako. Kailangan kong magpahinga,” aniya.