GANDANG-ganda kami sa Pacquiao, The Movie, filmbio ng international boxing champ na si Manny Pacquiao. Kung baga sa lutuin, kumpletung-kumpleto ito sa rekado. Wika nga, papapakin mo talaga.
Name it, lahat ng ingredients of a good and entertaining movie ay naroon. Romance, comedy, drama at adventure. Bale ba, ang galing-galing ng pagkakaganap ni Jericho Rosales, who plays Manny in the movie.
Hindi rin nagpatalo si Bea Alonzo as Manny’s wife, Jinky. Kapani-paniwala siya sa role bilang ina at selosang asawa, pero sa tuwina’y ang pagmamahal at paggabay sa lalaking minamahal ang nananaig.
Base sa movie, malaking tulong si Jinky kung bakit nananatiling nakatapak sa lupa ang mga paa ni Manny despite his tremendous success sa boxing.
Kailangan pa bang sabihin na brilliant ang acting ni Jaclyn Jose bilang ina ni Manny sa Pacquiao, The Movie? Not a trace of Jaclyn, the person we know, ay mapapanood sa movie. Sa halip, isang bruskong ina ang ating makikita.
Mother and son love each other so much. Being the eldest, sabi ni Jaclyn sa anak, “dapat makatulong ka (Manny) sa akin at sa ’yong mga kapatid.”
We take our hats off again kay Joel Lamangan, who directed Pacquiao, The Movie. Ang dami na naming napanood na magandang movie ni direk Joel, but we believe na this is his best.
Direk Joel succeeded, lalo na sa pagbibigay-buhay sa bawat karakter na ginampanan ng kanyang mga artista.
Si Jay Manalo na lang, halimbawa. Kabuuan siya ng ilang boksingerong nagtagumpay, pero nalaos nang ’di man lang nakapaghanda for the rainy days.
Kahit si Bayani Agbayani, who played Manny’s trainor, ay nagpakitang-gilas din. Ipinakita sa pelikula kung paano nag-evolve ang brotherly relationship nila ni Manny.
We also think ito na ang pelikulang tunay na nag-showcase ng acting talent ni Jericho. We won’t be surprised if he’d win several best actor trophies in next year’s awards race.
Surely, hindi puwedeng i-ignore ang trabaho ni direk Joel sa pelikula. Pang-best director talaga. Congrats, Direk, in advance.
Lalong hindi kami magtataka kung sabay umakyat ng stage sina Malou Santos (ng Star Cinema) at Rose Flaminiano (ng FLT Films International) para tumanggap ng best picture trophy o trophies for Pacquiao, The Movie. Star Cinema and FLT co-produced the film.
* * *
DUMATING si Manny sa premiere ng Pacquiao, The Movie sa SM Megamall Cinema 10 nu’ng isang gabi.
Manny had just arrived from the US, kaya he left right after the screening. ’Di na siya dumalo sa blowout for the stars, staff, crew and guests, na ginanap sa Italianni’s sa ibaba ng Megamall.
Understandable naman ito dahil two weeks na lang bago ang bout niya with Oscar Larios. Kailangan niyang mag-prepare for it.
Naunang dumating si Heart Evangelista sa Cinema 10. Naupo siya sa tabi ng bagong talent manager na si Angeli Valenciano, who came with husband Gary Valenciano. Gary sang the theme song of Pacquiao, Lipad na Pangarap.
Magkasabay namang dumating sina Jericho at Bea. Iniupo lang ni Jericho si Bea sa assigned seat nito sa first row, tapos tumabi na kay Heart. Did this make Bea kawawa?
Hindi po, dahil dumating naman si John Lloyd Cruz to give her the much-needed moral support.