Tiwala pa rin ang Golden Boy Promotions sa kakayanan ni Oscar Larios na matalo si Manny Pacquiao. Ayon sa sikat na presidente ng kumpanya na si Oscar de la Hoya may laban ang kanilang boksingero kay Pacquiao.
Aniya, kailangan talagang paghandaan ng mabuti ni Pacquiao ang Mexicano.
I would recommend to Manny to train hard and be focused on the fight and go out there and fight hard in front of your Filipino fans,” ani de la Hoya.
Masaya ang mga promoter ni Larios sa pagkakataon na ibinigay sa kanilang boxer na makalaban si Pacquiao. Dito raw nila patutunayan na si Larios ay isa sa pinakamagaling na boksingero ngayon sa mundo.
Itong darating na Sabado, magkikita ulit si Larios at Pacquiao sa Los Angeles sa press conference na para sa international boxing media.