WE bumped into Onyok Velasco sa airport while we were waiting for the PAL flight for Naga City. Dadalo siya sa Palarong Pambansa na ginanap sa Naga City this year. Kami naman ay magku-cover ng isang event featuring Vhong Navarro, Bea Alonzo, John Llyod Cruz, Tuesday Vargas, Marvin Agustin, Dominic Ochoa and Rufa Mae Quinto. Iyon ay sa imbitasyon nina Icel Argana art Gelo Serrano, top guns ng advertising agency na Infinite Ideas. Icel and Gelo also own Excite, a team which organizes events.
An international boxing silver medalist, tinanong namin kay Onyok kung ano sa akala niya ang tsansang manalo ni Manny Pacquiao sa laban nito kay Oscar Labrios sa Araneta Coliseum on July 2.
Sagot ni Onyok: “Walang kaduda-dudang si Manny ang mananalo. Nasa kanya ang alas, ’di lang dahil nasa sarili siyang kampo, kung hindi talagang at his best pa siya.
“Euphoric pa si Manny hanggang ngayon dahil sa pagkapanalo niya kay Erik Morales. Hindi siya papayag na matalo siya.
“Pero, mas makabubuti pa ring ipagdasal nating mga Pinoy ang kanyang tagumpay. Kasi ang tagumpay ni Manny ay tagumpay nating lahat,” pahayag pa ni Onyok.
Sigurado raw na isa si Jericho Rosales sa manonood sa laban ni Manny Pacquiao kay Oscar Larios. Personal daw ang ginawang pag-imbita sa kanya ni Manny.
’Pag nagkataon, ayon kay Jericho, first time niyang mapanonood si Manny sa ring. But he has seen a number of his fights on television, including his last with Morales.
“Magaling talaga,” wika ni Jericho. “Pero, higit sa lahat, mabait siya.”
Ilang pagkakataon pa lang silang nagkakausap ng boxing champ. Tinuruan siya nito kung paano umasta sa ring. For those who don’t know yet, si Jericho ang gumaganap na Manny sa pelikulang Pacquiao, which is about the life of the boxing hero from General Santos City.
Directed by Joel Lamangan from a script by Roy Iglesias, it is a joint venture of Star Cinema and FLT Films. Si Bea Alonzo ang gumaganap na Jinky, Manny’s wife. Others in the cast are Jay Manalo, Polo Ravales, Glaiza de Castro, Dimples Romana, Mon Confiado, Jaclyn Jose and Tirso Cruz III.
Kasalukuyang nasa GenSan sina Jericho at ang line producer ng Pacquiao na si Manny Valera. Kukunan doon ang eksenang nakikipaglaban si Jericho sa stadium. May mga eksena pa ring kukunan sa abroad habang nagpe-prepare si Manny for the fight, pati na sa kung saan hotel siya tumuloy sa Las Vegas pagkatapos ng kanyang victory.
This early, ayon kay Rose Flaminiano, owner ng FLT Films, marami nang mga sinehan sa abroad ang nagpapa-book para maipalabas ang pelikula.
Pacquiao will be shown locally on June 21.
People’s Tonight 5/11/2006 18:16 PM