KUNG kaliwa’t kanang upak ang inabot ng People’s Champ na si Manny “Pacman” Pac-quiao mula sa mga congresswomen hinggil sa kanyang pagkakaroon ng “love child”, sumak-lolo naman sa premya-dong boksingero ang mga barakong kongre-sista.
Nanawagan sina House Majority floor leader at Davao City Rep. Prospero Nograles at Isabela Rep. Rodolfo “Rodito” Albano III sa lady solons na bigyan muna ng pagkakataon si Pacquiao na maidepensa ang sarili sa pagkakaroon ng extra-marital affairs kay Joanna Rose Bacosa.
Nais ni Nograles na maging mahinahon sina Gabiela Rep. Liza Maza at Occidental Mindoro Rep. Ma. Amelita Villarosa at huwag husgahan si Pacquiao habang inihahanda ang posibleng DNA test para kumpirmahing anak nga nito ang dalawang taong gulang na batang lalaki.
“Let us wait for the results of the DNA test, hu-wag natin siyang husgahan kaagad at suntukin ng below the belt,” ani No-grales.
Naunang kinondena nina Maza at Villarosa ang pagiging imoral ni Pacquiao nang amining nakipagtalik sa babaing bukod sa kanyang asawang si Jinky kasabay ng panawagan na huwag pabayaan ang responsibilidad nito sa sinasabing anak sa labas.
Kumbinsido naman si Albano na hindi na dapat panghimasukan pa ang pribadong buhay ni Pacquiao at hayaan na lamang itong resolbahin ang kinakaharap na problema.
“Hayaan na natin si Manny na problemahin niya ang kanyang mga personal na buhay,” ani Albano.
Ngunit, naniniwala si Maza na isang idolo si Pacquiao ng mga kabataan kaya dapat maging maingat sa mga ginagawa nito.
“He is being idolized by many Filipinos, particularly the youth. He should act and behave as a real idol and show a good example,” ani Maza.
Sa pamamagitan ng abo-gadong si Victor Rodriguez, isinampa ni Bacosa sa Quezon City prosecutor’s office ang paglabag ni Pacquiao sa Republic Act (RA) 9262 o batas na nagbabawal sa karahasan laban sa kababaihan at bata matapos umano itong magbanta na dudukutin ang anak sa labas.