Friday, 9 October 2026 · Philippines RSS
PhilBoxing.com The Philippine Boxing Portal
Boxing

Pacquiao story, 3 ang prodyuser

Isang malaking presscon ang ipinatawag ng FLT Films and Star Cinema para opisyal na ipahayag ang napiling cast para sa film bio ni Manny Pacquiao. Si Jericho Rosales nga ang gaganap as Pacman at si Bea Alonzo naman ang napiling leading lady who will portray as Jinky, the boxing champ’s wife. The title is simply Pacquiao.

Maagang dumating si Echo sa presscon dahil aalis siya ng ala-una papuntang Malaysia para sa album launch/concert ng kanyang bandang “Jericho’s Jeans”.

Hindi nakarating si Bea Alonzo dahil kasalukuyang tinatapos pa raw nito ang Close To You but according to Echo, okay naman daw sa kanya na ang said young actress ang kanyang leading lady.

Excited. Yan ang naramdaman daw ni Echo nang malaman niyang siya ang napiling gumanap para gumanap na Manny Pacaquiao. Bagong energy raw ito sa kanya at nagpapasalamat siya na magaganda ang mga project na nao-offer sa kanya lately.

“After Panday, ito namang kay Manny Pacquiao, so natutuwa ako at ‘yung pride ng Pinoy ang napupunta sa akin.”

Bilang paghahanda sa role ay nagsisimula na rin daw siyang mag-training ng boxing. Hindi pa raw niya nababasa ang script pero willing naman daw siyang mag-undergo sa lahat ng kailangang gawin.

Willing din daw siyang ipabago ang kanyang curly hairstyle, magpalagay ng prosthetics or even contact lens kung kinakailangan. Ang medyo mahihirapan lang daw siya ay ang pagda-diet dahil hindi raw siya sanay sa diyeta.

“Napa-praning ako pag hindi kumakain,” say niyang natatawa.

Hindi nakaligtas si Echo sa questions about his love life and for the first time, inamin niya sa press na sila na nga ni Heart Evangelista.

“Yes, girlfriend ko siya,” say niya.

Nang tanungin kung ilang months na sila, hindi raw niya talaga binibiling pero more or less ay five months na raw.

He denied na against ang parents ni Heart sa kanya. Na-meet na raw niya ang mother nito pero ang father, hindi pa raw niya nami-meet.

Tinatawanan na lang daw nila ang preggy issue. Kaya nga raw ayaw na niyang magbiro ngayon dahil nang minsang magbiro siya na baby ang gusto niyang maging b-day gift kay Heart ay pinikap daw ito kaya siguro lumaki ang issue.

Pag-alis ni Echo ay babalik daw agad siya para sa birthday ni Heart on Feb. 14, Valentine’s Day. Binabalak daw niya itong bigyan ng motorbike bilang gift pero dahil nga may asthma ang dalaga ay baka ibahin na lang daw niya.

“But definitely, I’m gonna give her something more special than that,” say niya.

* * *

Samantala, ayon kay Mommy Rose Flaminiano ng FLT Films, bago pa man pala lumaban si Pacman kay Erik Morales ay nagkasaraduhan na sila para gawin ang life story nito.

Tinanong nga raw sa kanya kung itutuloy pa rin niya ang film kung sakaling matalo si Pacman at say niya, matalo o manalo man ay desidido pa rin siyang ituloy ang movie dahil naniniwala siya sa ganda ng proyekto.

Bukod sa Star Cinema at FLT Films, co-producer din si Manny sa pelikula. Hindi nito kukunin ang talent fee para sa film bio and instead ay ise-share niya sa pelikula.

May participation din si Manny sa pelikula bilang narrator pero ang pinakamalaking tanong ng lahat ay kung isasama rin sa movie ang kuwento ng lumilitaw ngayong “the other woman” ni Pacman.

Ayon kay direk Joel Lamangan na siyang magdidirihe ng film, kailangan daw itong isama sa movie dahil naging national issue na rin pero hindi pa raw nila napipili kung sino ang gaganap.

More from PhilBoxing