NILINAW kahapon ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando na walang katotohanan ang napaulat na kabilang siya sa mga opisyal ng gobyerno na nanood sa laban nina Manny Pacquiao at Erik Morales sa Las Vegas USA.
Gayunman, aminado si Fernando na nasa Las Vegas siya at asawang si Marides, kasama ang ilang mga alkalde sa Metro Manila at piling opisyal ng MMDA para manood ng laban, bagama’t naubusan aniya sila ng ticket.
Marami rin aniya sa kanyang mga kasamahan ang nakapanood subalit dahil limitado lamang ang nakuha nilang ticket ay ipinasiya na lamang nilang mag-asawa na ipaubaya na ito sa kanilang mga kasamahan at sa halip ay nanood na lamang sila ng isang opera sa naturang lungsod.
Binigyang diin din ni Fernando na hindi nila kinuha sa pondo Pacquiao-Morales II sa Thomas & Mack Arena sa Las Vegas, Nevada
ng bayan ang ginastos nila sa pagtungo sa Las Vegas at gayundin sa Vancouver, Canada kahit ito’y isang opisyal na lakad.
May mga nag-sponsor aniya sa kanilang biyahe at ang ibang gastusin ay mula sa kani-kanilang sa-riling bulsa.
Idinugtong pa niya na sa darating na mga araw ay magsasagawa sila ng symposium at workshops upang ibahagi ang kanilang mga natutuhan sa malawak na karanasan ng Greater Vancouver Regional District sa pagpapaganda at pagsasaayos ng kanilang kapaligiran sa bahagi ng bansang Canada.
OPOSISYON NGARAG KAY PACMAN MISTULANG “nangarag” ang isang lider ng oposisyon sa Kamara de Representantes kaugnay sa posibilidad na “patulugin” ang kanilang kampanya laban sa Charter change (Chacha) ng tinaguriang “pambansang kamao” ni people’s champion Manny “Pacman” Pacquiao na planong gamitin ng Malakanyang para ligawan ang publiko sa pagbabago ng Konstitusyon ng 1987.
Gayunpaman, tinawag ni House Deputy Minority Floor Leader at Iloilo Rep. Rolex Suplico, stalwart ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) sa paksiyon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson, na magiging “Wowowie” ang pulitika sa bansa o ang “entertainment program” ni Willie Revillame sa ABS-CBN Channel 2 kung tuluyang magpapagamit si Pacquiao, pinabagsak kamakailan sa 10th round si Mexican fighter Erik “El Terrible” Morales, at mga artista sa administrasyong Arroyo, partikular sa pagsusulong ng Chacha.
Aminado si Suplico na mayroong “tulog” ang katulad nilang anti-Chacha sa mga kamao ni Pacquiao, naunang naglinaw na hindi magpapagamit sa pulitika, at karisma ng mga artista kung ito ang mahikang gagamitin ng Malakanyang para hikayatin ang publiko sa pagsusulong ng Chacha.
“The reported Malaca?ang plan to use Manny ‘Pacman’ Pacquiao and other stars to push Chacha is downright dangerous. This is so because it may succeed with people voting for Chacha due only to the celebrities’ endorsement,” ani Suplico.
Sa ganitong sitwasyon, sinabi ni Suplico na mistulang circus ang Parliament sa ilalim ng Chacha dahil sa tinawag nitong Wowo-wie politics na bersiyon naman ng “Eat Bulaga politics” o ang noontime program sa Channel 7 nina Tito (dating Sen. Vicente “Tito” Sotto III), Vic at Joey.
“It can also lead the new Parliament of stars, boxers and clowns. This is a classic example of ‘Wowowie’ politics, the current version of ‘Eat Bulaga’ politics. I have nothing against them, but I think the Filipino deserves something better,” ani Suplico.
Binanatan rin ni Bukidnon Rep. Teofisto Guingona III, kasapi ng Nacionalista Party (NP) na nakaalyado ng oposisyon katulad ni Suplico, ang planong paggamit kay Pacquiao.
“Let us not ruin Pacquiao’s image as a new hero for bringing honor to our country, please spare the man for their own selfish agenda,” ani Guingona.
Aminado maging si Citizens Battle Against Corruption Rep. Joel Villa-nueva, anak ni evangelist Eduardo “Bro. Eddie” Villanueva, na hindi dapat samantalahin ng Malakanyang ang kabanguhan ni Pacquiao sa publiko dahil posibleng masira maging ang magaling na boksi-ngero.
“Today is Pacquiao fever, everone enjoys a natural high of being a Filipino, but this natural high should not distract us from our duty, we should not allow users to take advantage of this high feeling and cloud our sense of judgment in choosing right from wrong and free from the clutch of traditional corruption,” ani Villanueva.