Thursday, 8 October 2026 · Philippines RSS
PhilBoxing.com The Philippine Boxing Portal
Boxing

Tiket sa sinehan para sa laban ni Pacquiao mabenta

Kahit daw saan, maging sa mga sinehan o sa loob man ng bahay, inaabangan na ng libu-libong mga tagahanga ng boxing ang labanang Pacquiao-Morales.

Walang patid ang pila sa SM North EDSA ng mga tagahanga ni Manny “Pacman” Pacquiao.

Mapapanood kasi nila nang live at walang commercial break ang laban pero sa halagang P300.

Sulit naman daw ang ticket dahil kaabang-abang naman talaga ang re-match ni Pacquiao at Erik “El Terible” Morales.

Tatlumput anim na sinehan ng SM sa buong bansa ang magpapalabas ng laban simula 8 a.m. sa Linggo.

Sa SM Megamall pa lang, sold out na ang ticket sa siyam na sinehan.

Pero may ilang Pilipinong hindi kaya ang P300 halagang ticket.

Pero sa huli, sa TV man o sa sinehan panoorin ang laban, pare-pareho lang nangangarap ang fans ni Pacquiao na mapapatumba niya si Morales.

More from PhilBoxing