TINAWAGAN kahapon ng isang kongresista ang mga kilalang personalidad at pampublikong opisyal, kabilang ang mga kasamahang kongresista na magtutungo sa Las Vegas na suportahan na lamang si people’s champion Manny Pacquiao sa rematch kay Mexican Erik “El Terrible” Morales sa halip na makipagpustahan at magsugal doon.
Bukod dito, sinabi ni Citizens Battle Against Corruption Rep. Joel Villanueva na dapat iwasan ng mga “mapapel” na politiko at ibang personalidad ang pagbisita kay Pacquiao bago ang laban upang maiwasan ang stress.
Sinabi ni Villanueva, anak ni evangelist Eduardo “Bro. Eddie” Villanueva, na dapat iwasan na lamang ng mga opisyal ang pagsusugal dahil hindi rin ito magandang halimbawa kasabay ng babalang hindi makakatulong kay Pacquiao kung mapapagod ito sa pagtugon sa mga dumarating na Manny Pacquiao
bisita bago ang laban katulad na nangyari noon.
“I appeal to them to shun gambling and avoid disturbing Manny. They should devote their pre-sence there to sincerely support Manny,” ani Villanueva, isang dating atleta na basketball player.
Kumbinsido naman si Bukidnon Rep. Teofisto Guingona III, anak ni da-ting Vice President Teofisto Guingona III, na dasal ang kailangan ni Pacquiao para manalo at hindi grupo ng supporters na magsusugal lamang.
“I appeal to them to pray and not to gamble. We join the Filipino nation in pra-ying for Manny’s victory,” ani Guingona.
Kabilang sa napabalitang magtutungo sa Las Vegas si Unang Ginoo Jose Miguel Arroyo na nanood rin sa unang laban na ikinatalo ni Pacquiao kasama ang sandamakmak na mga kongresista.
Magugunitang ilang mga kongresista at puolitiko ang nagtutungo sa Las Vegas para magsugal, partikular sa isang espesyal na laban.
Inaasahang tatangga-pin ni Pacquiao ang $2 milyong premyo matalo man o manalo kay Morales sa Enero 21 sa Las Vegas.
Gagawin ang enkuwentro sa arena ng Thomas and Mack Center sa Vegas na may kapasidad na 19,000 upuan kung saan nagkakahalaga naman ang bawat tiket ng $500, $400, $300, $100 at $50.