Tuesday, 6 October 2026 · Philippines RSS
PhilBoxing.com The Philippine Boxing Portal
Boxing

Pacquiao: Sisikapin kong ipanalo agad ang laban

Sa panayam ng radyo DZMM nitong Huwebes, inihayag ni Manny Pacquiao na pagsisikapan niyang tapusin agad at talunin si Eric Morales ng Mexico sa Sabado (Linggo sa Pilipinas). Aniya, sa abot ng kanyang makakaya ay tatapusin niya agad ang laban alang-alang sa mga kababayan niyang Pilipino.

DZMM: Maayong buntag, Manny?

Pacquiao: Maayong buntag din at maayong buntag diyan sa Pilipinas.

Manny , malapit na.

Kinakabahan na kayo?

Kami ang kinakabahan. Handa na ba kayo? Ikaw ba handang-handa na, Manny Pacquiao?

Handa na ba kayo?

Oo, kami handa na kaming manood pero ninerbiyos kami pero ikaw ba ano ang pakiramdam mo ngayon?

Handang-handa na ako at excited na ako sa fight.

I?m sure handang handa ka na ding tanggapin ang $1.7 milliion mo. ‘Yung $1.7 million na ‘yan na pabuya win or lose ‘yan, hindi ba?

Win or lose.

Pero wala kang balak na matalo, syempre?

Wala syempre, ang dami ng Pilipino ang nandito.

Pag-usapan natin itong sa gloves na gagamitin ninyo?

Oo.

Ano ba ang kaibahan ng Winning brand na gustong gamitin mo ayon sa kampo ni Morales at anong brand ang gusto mo talagang gamitin at ano ba ang kaibahan niyan?

Actually, ang gagamitin sana doon ay ‘yung Cleto Reyes na gloves e nag-request ang kampo nila na ang gagamitin nila ay ‘yung Winning. Tapos ‘yung sa sitwasyon pumayag sila na ang gamitin ko ay Cleto Reyes tapos Winning [‘yung sa kabila].

Ngayon marami ang naglabas na balita na ang Cleto Reyes ay knock-out punch, pang-knock-out punch so nagprotesta na naman sila ulit sa Nevada at saka sa commission para Winning na din ang gagamitin ko.

Parang nagbayad itong Winning brand?

Hindi, ‘yun lang ang pinili ni Morales, makakapal kasi ang Winning gloves. E alam naman ng tao na mas malakas ako.

Ang ibig mong sabihin ay wala kang say, hindi ka pwedeng mamili?

Pwede akong mamili pero, alam mo, kapag mamili pa ako ay lalong gugulo o lalong mapag-usapan ang about sa gloves e maliit na bagay ‘yon. Mas maganda pareho ang ginagamit na din, nasa pagandahan ng tama ‘yon, tama ng suntok.

Pero hindi ka doon bothered, I mean kahit na ‘yun ang gamitin mo hindi maapektuhan ‘yung iyong suntok, ‘yung effect ng suntok mo dahil sinasabi daw na mas makapal ito?

Hindi. Hindi naman sa tingin ko okey lang naman dahil sa parehas kaming ginagamit pero mas makapal lang ng kaunti ang forearm niya sa Cleto Reyes, mas makapal ng kaunti ang foam noon sa Cleto Reyes.

Isa pang report sa Pilipinas may sinasabi na itong World Boxing Council ay nagsasabi na bibigyan na daw ng titulo itong inyong laban na ito, kumbaga magkakaroon na ng title kasi hindi ba noong una ito ay non-title bout?

May title ito.

Anong title?

Hindi ko pa alam kung ano ang title pero unang una siguro, super feather weight, maaari. Hindi ko lang alam kung may papasok silang belt . Pero alam mo hindi naman mahalaga ‘yung belt.

Ang importante ay mas madami ang taong manood kapag ikaw ay lumaban, madaming tao ang manonood bibli ng pay-per-view yun ang importante kasi kapag may belt kasi magbabayad ka ng sanction fee e kung ganoon din ang tao na manonood tapos magbabayad ka din daw ng laban sa sanction fee.

So may commercial aspect, kumbaga magbabayad ka doon sa nagsa-sanction sa inyo parang mayroon pa silang komisyon?

Oo, sanction fee malaki din ‘yon kasi mga syempre $43,000.

Ngayon hindi pa alam kung anong klaseng title ang ibibigay sa labang ito but definitely may title ito?

Mayroon, mayroon, super feather weight.

Ikaw ba sa tingin mo kaya bang patulugin itong si Morales bago matapos ang 12 rounds?

Alam mo, ako ang tao na hindi nagsasalita hanggang hindi pa tapos, hanggang hindi pa ginagawa. Nagdadasal ako lagi sa Panginoon pero huwag daw magsalita ng patapos basta gawin lang natin ang magagawa natin ensayado naman tayo, sana manalo, gagawin ko ang lahat ng makakaya para manalo.

Sa ngayon, mukhang paborito ka. Hanggang ngayon ba ang taya ay nasa panig mo pa din?

Oo, lamang ako ng kaunti.

Siguro nga ayaw nila ng mayabang, lo-tres?

Kasi pangit ‘yung mabunganga tapos wala namang ibubuga.

Pero ang sabi kasi nila ay wala pa daw nakakapagpatumba dito kay Eric Morales. Importante ba ‘yung ma-knockout ‘yon? Hindi ba pwedeng ma-knock out ‘yon? Pwede ka pa ding manalo kahit hindi mo siya ma-knock out?

Inaamin ko din na si Morales ay malakas na boksingero, magaling na boksingero pero sa boxing hindi ko masabi, hindi mo masigurado ang laban hanggang hindi pa tapos ang fight.

Hanggang kailan ang iyong practice hanggang before the fight, I mean a day before?

Actually, katatapos lang namin. Galing kami sa gym nag-ensayo.

So hanggang sa araw bago ang laban nagpa-practice ka pa din walang pahinga?

Hanggang bukas (Huwebes sa Las Vegas) na lang pawisan lang tama na. Hanggang Thursday (Biyernes sa Maynila) lang.

Madami ang pupunta diyan lilipad, mga politiko, pribadong tao lilipad ang mga Pilipino para panoorin ka para alam mo na madami kaming manonood sa iyo.

Oo nga e, maraming maraming salamat.

Nagpapasalamat ako, unang una sa Panginoon sa ibinigay niya sa aking lakas sa araw-araw.

Maraming salamat sa mga kababayan kong Pilipino especially ‘yung mga nagpunta dito para suportahan ang fight ko at lahat ng ibang tao nandito sila lahat, ‘yung nasa government nandito sila para suportahan ang fight ko.

Maraming maraming salamat sa mahal na Pangulo, sa First Gentleman at sa lahat ng mga kababayan nating Pilipino alam ko na sabik na silang mapanood ‘yung fight namin.

Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maipanalo alang alang sa karangalan ng bansang Pilipinas.

Mabuhay ang Pilipinas!

Kapag ba ganyan ikaw ba ay napusta mismo para sa sarili mo?

Hindi po ako napusta sa sarili ko kasi bawal po ‘yan. Kasi nagdadasal po ako sa Panginoon may premyo na akong $1.7 million hindi pa ba sapat ‘yon? Magagalit ang Panginoon noon.

Ang sa akin lang three rounds patumbahin mo na ng hindi humaba ang laban?

Sa abot ng aking makakaya po.

Thank you, Manny Pacquiao.

Maraming salamat sa inyong lahat at magandang umaga, Pilipinas.

More from PhilBoxing