Oportunidad ang hinahabol nina IBF super-bantamweight champion Manny Pacquiao at business manager Rod Nazario sa pagharap kay Mexican fighter Marco Antonio Barrera.
Bagama’t pinag-uusapan pa ang lugar ng paglalabanan, pinal na ang petsang Nob-yembre 15 para sa 12-round bout.
Kahapon ay lumabas sa pahayagan ang umano’y ‘di pagsang-ayon ni American trainer Freddie Roach na makalaban ng Pinoy champion si Barrera dahil aniya’y masyado pang maaga. At mas gugustuhin umano niyang si Paulie Ayala muna ang makaharap ni Pacquiao.