Wala umanong epekto ang panalo ni “People’s Champ” Manny Pacquiao sa laban sa pagka-kongresista sa Mayo 14 sa unang distrito ng South Cotabato, ito ang sinabi ni Rep. Darlene Antonino-Custodio sa panayam ng DZMM nitong Lunes. Aniya, bago pa man ang laban ay naniniwala na ang mga botante na mananalo si Pacquiao ang kung kaya’t wala na itong epekto sa kanilang karera sa unang distrito. Inamin din ni Custodio na mahirap kalabanin si Pacquiao kung isyu ng pera ang pag-uusapan pero aniya, tanging pagbibigay edukasyon sa mga botante na hindi pera- pera ang laban sa halalan.
DZMM: Kamusta sa GenSan?
Custodio: Ito namamaos na ako at nangingitim.
May mga nagtatanong lang, congressman. Ano daw ba ang height at weight niyo?
Height, 5 flat , weight 85 lbs.
Bilang susunod na kalaban ni Manny Pacquiao, ano ba ang mga preparations ni Congresswoman Custodio?
‘Yung mga usual nating pagkampanya umiikot ikot sa mga barangay kinakausap namin ‘yung mga tao at pinipresinta ‘yung aming plataporma at aming mga plano at dahil incumbent ako ay explanation sa mga issues na binabato sa atin n gating mga kalaban sa pulitika.
‘Yun bang panood niyo kahapon (Linggo), talagang ‘yung venue ay kayo ang nag-arrange para mas marami ang makapanood?
Opo, actually ginagawa ‘yon every year in coordination with the local government this time around nagbigay din kami my family gave… kasi medyo mahal na ‘yung singil ng pay-per-view.
Mayroon din daw kayong hinahandang hero’s welcome, kayo din at ang inyong kaalyado sa pulitika ang maghahanda ng hero’s welcome para kay Manny?
Yes.
Alam mo niyo naman na ever since, sinasabi ko naman talaga ‘yan, basta sa boxing Manny has always been able to unite everyone. Nakakalimutan ang lahat ng issues, nakakalimutan ‘yung mga nakaka-disunified sa atin at nagyu-unite ang lahat ng Pilipino para parangalan ang ating kampeon sa boxing.
Sa palagay po niyo ang pagkapanalo ni Manny e mas napaganda ang laban o mas nakasama para sa inyo?
Pareho lang kasi I don’t think anyone here in GenSan expected, ‘yung pag-file pa lang niya, everyone expected him to win and knockout Solis.
Alam mo Congresswoman Custodio, ‘yung statement ng abogado niya, si (Jeng) Gacal. Noon daw nasugatan sa ibabaw ng mata niya itong si Manny ay ninerbiyos siya dahil patay daw sa 14 ng Mayo?
Hindi naman kasi kahit noong nakita natin na noong nagkasugat si Manny although nakita natin na masakit tingnan, pero nakita din naman natin na ‘yung pagbalik niya ay malakas pa din parang hindi naapektuhan si Manny doon sa sugat niya.
Ang tanong ko din Congresswoman ay mayroon bang kinalaman ang panalo ni Manny doon naman sa laban niyo sa congressional seat?
Actually hindi ko masyadong makita ‘yung link kasi every since naman noong pumasok pa lang si Manny noong nag-file siya ng kandidatura niya he was already our people’s champ, he was already our boxing hero dito sa GenSan at ‘yung pagkapanalo niya kahapon was expected as well by the people so hindi siya masyadong nakaapekto.
Gaano ba kahirap kalaban si Manny Pacquiao kung pag-uusapan ay gastos?
Napakahirap kasi may ugali siyang ibubuhos ang lahat ng pera hanggang dulo.
Mahirap din kahit papaano pero what we are trying to do is trying to educate ‘yung aming mga voters na hindi dapat magpadala sa pera pera lang.
Sa 1st district ba ng Cotabato ay uso-uso din ang survey?
Uso din po.
Nasu-survey po ang chances niyo at ni Manny, sabi niyo kanina bawat isa sa taga GenSan ay umaasa ng panalo ni Manny sa laban na ito ‘yun bang survey para sa May 14 ano ba ang lumalabas?
Ang narinig ko lang na initial survey ‘yung survey bago siya mag-file hindi pa lumalabas ‘yung survey pagkatas ng pag-alis niya papuntang Estados Unidos at pagkapanalo nya so hinihintay pa namin ‘yon.
Itong hero’s welcome hindi kaya mapasama kayo ‘yung paghahanda nyo ng pabor para sa isang kalaban sa pulitika?
Hindi naman siguro dahil ang pananaw ko again itong pagkapanalo ni Manny pagkapanalo din ng lahat ng taga-GenSan at pagkapanalo din ng lahat ng well, buong Pilipinas.
Ang pulitika naman ay ibang arena ‘yan at kahit na pumasok siya sa politka kahit isa o dalawang araw dapat nating ipagbigay pugay ang kanyang karangalan na na ibigay sa ating mamamayan
Si Manny ay walang experience sa inyo ang isyu ay political dynasty?
‘Yung political dynasty depende ‘yan.
When you say political dynasty that means you have immense influence na parang kasama ang pananakot.
Dito naman sa GenSan, South Cotabato, very alive ang democracy dito walang pilitan o nasa tao ‘yon kung pipiliin nila ako o hindi .
Ilan ba sa pamilya niyo ang kandidato ngayon at saka ano’ng mga posisyon?
Ako lang po.
‘Yung nanay, si Lou Antonino?
Retired na po.
Actually main campaigner ko po ngayon actually hindi din po siguro nila sinasabi kasi my father actually resigned as city mayor siguro mga February to give way na din sa candidate namin na pagka-mayor si incumbent mayor Jun Acharon at hindi namin kamag-anak ”yon.
So kayo na lang pala sa pamilya niyo ang kandidato ngayon?
Yes ako na lang.