
Kinumpirma na ni People’s Champ Manny Pacquiao na buo na ang kanyang desisyong tumakbo sa darating na halalan.
Si Pacquiao ay tatakbo sa ilalim ng partido ni pangulong Arroyo na KAMPI at hindi Lakas tulad ng naunang napaulat.
Ito umano ay taliwas sa naunang ulat na kasama si “Pacman” sa ticket ng Lakas-CMD sa General Santos City.
Gayunman, hindi pa alam ni Pacquiao kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhan sa lungsod.
Magugunitang nauna nang nagbabala si Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos na posibleng magkaaberya sa kandidatura ni Pacquiao sa General Santos dahil sa kakulangan ng kanyang residency status doon.
Napag-alaman na kahit desidido na sa pulitika wala namang urungan ang napipinto niyang laban sa Texas, USA sa Abril 21, o tatlong linggo bago ang eleksyon.
Magiging abala din si Pacman sa pagsasanay sa kalagitnaan ng kampanya kung saan sa isang linggo magsisimula ang training dito sa Pilipinas.
Sa katapusan naman ng Pebrero ang lipad niya patungong US para magsanay sa laban niya sa Texas.