
Naghahanap ng “bagong Manny Pacquiao” si coach Freddie Roach. Si Pacquiao daw ang pinakamatagumpay na boxer ni Roach ngayon.
Aniya, may taglay na natural na talento ang mga Pinoy sa boksing at marami pang boxer ang maaaring sumunod sa mga yapak ng “People’s Champ.”
Sa isang gym sa Quezon City nagtayo ng boxing camp ang sikat na coach at umaasa siyang maraming boxer ang mahahasa rito.
Noong Linggo tinuruan ni Roach ng bagong teknika ang mga Pinoy coach sa gym para umangat ang level ng boxing ng mga estudyante.
Sa launching ng camp, sinampolan ng aktor na si Ronnie Rickets at Bukidnon Rep. Miguel Zubiri ang istilo ng training ni Roach.
Ayon kay Roach, regular siyang dadayo sa gym mula sa Amerika para matyagan ang programang sinimulan niya.
Sa pamamagitan nito magkakaroon ng pagkakataon ang mga Pinoy na matuto ng boxing na world-class.
Hindi lang daw mga lalaki ang pwede sa boxing. May potential din maging magaling sa boxing at makasali sa professional boxing ang mga babae, aniya.
Ayon pa kay Roach, mas maganda kung bata pa lang ay mag-umpisa na gaya niya.
Bukod sa professional boxing training, nais ding tumulong si Roach sa Pinoy amateur boxers.