
Pinag-iingat ng pulisya ang WBC International Featherweight Champion na si Manny Pacquiao pati ang kanyang buong pamilya matapos makatanggap ng intelligence report na may isang kidnap for ransom group na nagbabantang dukutin ang sinumang miyembro ng pamilya nito.
“Nadawit namin ang information when Manny was still in the US,” ani Senior Superintendent Alfredo Toroctocon, PNP chief sa lunsod ng General Santos.
Bantay-sarado si Manny ng mga pulis nang siya’y umuwi sa kanyang lumang bahay sa Labangal upang mamigay ng maagang pamasko.
Payo ng pulisya kay Manny na huwag maging kumpiyansa at siguruhin ang seguridad ng kanyang pamliya.
Inihayag naman ng people’s champ na hindi niya pababayaang may mangyaring masama sa kanyang pamilya.