Philippines, 12 Dec 2018
  Home >> News >> List of Articles >> Manny Pacquiao

 
Search Boxer:
First Name
Last Name


BOXERS                         

CURRENT CHAMPIONS 

FORMER CHAMPIONS   

RATINGS                       

FIGHT SCHEDULES        

FIGHT RESULTS            

NEWS                            

HOUSE NEWS                

FORUM                          

FIGHT GALLERIES        

TRAINERS                     

MANAGERS                    

PROMOTERS                  

BOXING GYMS               

RING CARD GIRLS        




 



Dong Secuya
Web Editor

Rene Bonsubre, Jr.
Contributing Editor

Homer D. Sayson
NBA Section Editor




Ronnie Nathanielsz

Rich Mazon

Eddie Alinea

Epifanio M. Almeda

Anthony Andales

Jason Aniel

Hesiquio Balderas

Sid Bañez

Brett Bonetti

Marlon Bernardino

Winchell Campos

Socrates Celestial

T. Chin-Te

Carlos Costa

Christopher Cruz

Rob Cruz

Jonathan Davis

Dr. Ed de la Vega

Lito delos Reyes

Gianluca (Rio) Di Caro

Edwin G. Espejo

Dennis U. Eroa

Ron Galarpe

Joaquin Henson

Oliver Iglesias

Dionis Jacobe

Ted Lerner

Salven Lagumbay

Reylan Loberternos

Mike Angel Lopez

Salvador Lopez

Joan Secuya-Medida

Ryan Medida

Rico Navarro

Rod Mijares

Manny Pacquiao

Gerry Peñalosa

Greg R. Penilla, M.D.

Gov. Manny Piñol

Dr. Allan Recto

Hermie Rivera

Emmanuel T. Rivera

Virgi T. Romano

Nicholai R. Roska

Maloney L. Samaco

Sev Sarmenta

Reynaldo Seno

Myron Sta. Ana

Atty. Danrex Joseph V. Tapdasan

Recah Trinidad

Reni M. Valenzuela

Mark F. Villanueva




 
List of Articles by Manny Pacquiao


 

Paghahanda Laban Kay Margarito

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
29 Aug 2010



MANILA -- Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga ginigiliw kong mga kababayan, fans at tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon. Kung ako po ang inyong tatanungin, ako po ay nasa mabuting kalagayan at handa na muling sumabak sa laban.

Ilang araw na lang ay lilipad na ulit ako patungong Estados Unidos upang pormal na pirmahan ang kontrata ng laban at makasama at makaharap na muli si Antonio Margarito, na siya kong makakalaban sa Nobyembre 13.

Babalik ulit ako sa Dallas, Texas, sa magarbo at malawak na Cowboys Stadium sa karatig bayan ng Arlington upang lumaban. Opo, walong buwan matapos ang aking laban kay Joshua Clottey at natutuwa akong lumaban ulit sa state-of-the-art na palaruan ng bilyonaryong si Jerry Jones.

Excited ako na lumaban ulit dito dahil noong huli akong nagsuot ng gloves dito ay mahigit sa 50,000 katao ang dumalo at nanood. Tinatantiya na mahigit sa 70,000 katao ang dadagsa sa Cowboy’s Stadium at marahil ay malalampasan namin ni Margarito ang pinakamalaking live audience na dumalo sa isang patimpalak sa US o maging sa mundo. Alam kong mahigit sa 100,000 katao ang maaaring makapanood ng laban sa loob ng Stadium na ito.

Napili ng aking promoter na si Bob Arum, kasama ng aking team si Margarito bilang kasunod kong kalaban matapos ilang beses na umayaw si Floyd Mayweather na lumaban sa akin, kahit na inaasahan ng lahat na sa pamamagitan lang naming dalawa ay magagawa naming lampasan ang pinakamaraming record sa larangan ng sport na boxing.

Marami ang hindi nagkakagusto sa aking kalaban dahil raw sa matinding pandarayang ginawa ng kanyang team sa kanyang laban kontra kay “Sugar” Shane Mosley noong taong 2009 dahil sa pagkakadiskubre ng ilegal na pagbabalot ng kamay gamit ang mga sangkap na bububo?? sa Plaster of Paris o semento.

Kaya naman po nasuspindi si Margarito ng mahigit sa isang taon bago siya nakalaban muli noong Mayo at sa pananaw ng Texas Athletic Commission na nagbigay ng panibagong lisensya ay sapat na ang panahon na ito upang makakuha ulit siya ng panibagong pag-asa upang linisin ang kanyang pangalan. Dahil sa pinagsisihan ni Margarito ang kanyang nagawang kasalanan at pinagbayaran naman niya ito lalung-lalo na sa pagpaparusa niya sa kanyang trainer na kanyang tinanggal sa kanyang koponan, nakabalik ulit si Margarito mula sa pagkakalugmok.

Marami ang bumabatikos sa kanya at pati na rin ako ay nasali sa mga batikos. Sinabi ni Margarito na wala raw siyang kinalaman sa mga pangyayari at wala namang nakapagpatunay na si Margarito nga ang nag-utos sa kanyang dating trainer na “sementuhin” ang kanyang kamay. Isang napakasamang tao lamang ang makakagawang talikuran ang kanyang kaibigan. Isang matinding martir lamang ang taong aamin at aako sa pagkakamali at isasakripisyo ang kanyang pangalan para sa isang tao. Sa aking palagay, si Margarito na lamang ang dapat managot sa Diyos, kung malinis man o madungis ang kanyang konsiyensiya.

Para sa akin, tuloy ang laban at dapat patunayan ni Margarito na kaya niyang lumaban na walang semento ang kanyang kamay. Tuloy ang media tour namin sa Los Angeles, California, New York at Dallas, Texas.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Back to Manny Pacquiao's Articles Listing



Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • IBF World Champion ‘Manny’ Rodríguez will train in Cuba for Inoue Clash
    By , 12 Dec 2018
  • Bersamina, Pascua off to good starts in 17th Asian Continental Chess Championships
    By Marlon Bernardino, 11 Dec 2018
  • Lomachenko not invincible
    By Joaquin Henson, 11 Dec 2018
  • Alexander “The Great” Flores In New Zealand to challenge former world champion Joseph Parker this Saturday
    By , 11 Dec 2018
  • Andrey "Iron" Lezhnev prepared to take M-1 Challenge featherweight champion Nate "The Train" Landwehr's title belt
    By , 11 Dec 2018
  • NBA -- Lakers eye familiar face for playoffs push
    By Bernard Tanpua, 11 Dec 2018
  • Kalvin Henderson stops Brandon Robinson in Philly classic
    By , 11 Dec 2018
  • Teofimo Lopez has star making performance in New York City
    By , 11 Dec 2018
  • Victor Conte Introduces the FIGHTER TRAINING STACK
    By , 11 Dec 2018
  • NBA -- Warriors reclaim top spot in the West
    By Joan Secuya-Medida, 11 Dec 2018
  • Nietes Conditioning Coach: "With a heart of a Samurai, Kazuto Ioka is a real challenge"
    By Carlos Costa, 10 Dec 2018
  • HBO Boxing Drops Curtain For the Last Time
    By Ed de la Vega, DDS, 10 Dec 2018
  • Warriors show who's the real boss
    By Eddie Alinea, 10 Dec 2018
  • NBA -- The Magic struggle in the middle
    By Adeline Deladisma, 10 Dec 2018
  • NBA -- Celtics hand Bulls worst loss in franchise history
    By Phil Hatzitheodorou, 10 Dec 2018
  • Alaska deals Magnolia worst beating in Game 3
    By Eddie Alinea, 10 Dec 2018
  • ESPN’s Telecast of Lomachenko-Pedraza is the Second Highest-Rated Fight on Cable Television in 2018, only Behind Crawford-Benavidez Jr. on ESPN October 2018
    By , 10 Dec 2018
  • Eros Correa Remains Undefeated with TKO Victory in Mexico
    By , 10 Dec 2018
  • Keith "The Bounty" Hunter Remains Undefeated with 1st Round Knockout
    By , 10 Dec 2018
  • Pacquiao’s build up regimen shifts to muscle-building
    By Eddie Alinea, 09 Dec 2018





  •  




     
    PhilBoxing.com has been created to support every aspiring
    Filipino boxer and the Philippine boxing scene in general.
    Please send comments to feedback@philboxing.com


    PRIVATE POLICY | LEGAL DISCLAIMER
    developed and maintained by dong secuya
    © 2018 philboxing.com.